ATM, nababahala sa tumataas na kaso ng pag-atake sa environmental activists

SHARE THE TRUTH

 14,022 total views

Nananawagan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Alyansa Tigil Mina upang imbestigahan ang pagdukot sa dalawang environmental defenders na sina Francisco “Eco” Dangla III at Axielle “Jak” Tiong.

Ayon sa ATM ang pagdukot kina Dangla at Tiong ay paglabag sa karapatan ng mamamayan na malayang ipahayag ang pagnanais na maipagtanggol ang kalikasan laban sa pang-aabuso at pinsala dulot ng mga mapinsalang proyekto.

Iginiit ng grupo na ang pangangalaga sa kalikasan ay karapatang dapat kilalanin at pangalagaan, kaya naman hindi makaturungan ang paggamit ng karahasan sa sinumang tumututol sa mga gawaing pumipinsala sa kapaligiran.

“We call on government authorities to immediately investigate the abduction and to exert all its efforts to locate, surface and release Jak and Eco,” panawagan ng ATM.

Nababahala naman ang ATM sa patuloy na mga kaso ng pag-atake sa environmental defenders sa Pilipinas.
Batay sa tala na sa nakalipas na 10-taon, naitala ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa environmental human rights defenders.

We call on the PBBM administration to resolve all cases of enforced disappearances, killings and human rights violations against environmental activists,” ayon sa ATM.
Sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente, Marso 24 nang dukutin ng mga hindi kilalang indibidwal at sapilitang pinasakay sa van sina Dangala at Tiong.

Una nang kinondena ng Caritas Philippines ang marahas na pagdukot sa dalawang biktima na pawang mga pinuno ng Pangasinan People Strike for the Environment Inc. (PPSEI) at miyembro ng Lingayen-Dagupan Archdiocesan Ministry on Ecology.

Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang matapang na pagpapahayag ng pagtutol sa offshore mining sa Pangasinan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 254 total views

 254 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,615 total views

 25,615 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,243 total views

 36,243 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,265 total views

 57,265 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,970 total views

 75,970 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top