28,609 total views
Umapela ang Federation of Free Workers sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na paigtingin ang pakikiisa sa mga manggagawa upang mapalakas ang panawagan na isabatas 150-pesos wage hike.
Ayon kay Atty. Sonny Matula na Pangulo ng FFW, ito ay upang mapalakas ang panawagan at apela na itaas ang arawang sahod ng mga manggagawa.
Nakasaad sa ensiklikal ni Pope Leo XIII na Rerum Novarum na karapatan ng mga manggagawa na makatanggap ng wastong suweldo na nakaayon sa kanilang pinaghirapan bilang bahagi ng katarungang panlipunan.
“Rerum Novarum” articulates, as a matter of faith and morals, that workers deserve more than merely a living wage. Pope Leo XIII elaborated on the idea of “fair wages,” Ayon sa mensahe ni Atty.Matula na ipinadala sa Radio Veritas.
Sinabi ni Matula na patuloy na nararanasan ng mga manggagawa ang paniniil hindi lamang ng mga pribadong kumpanya kundi ng ilang opisyal ng pamahalaan.
Umaasa si Matula na maninindigan ang CBCP para makamit ng mga manggagawa ang ipinapanawagang katarungang panlipunan.
“As the country enters the Holy Week, the FFW underscores that the trade unions’ campaign for wage hike echoes the teachings of Pope Leo XIII’s 1891 encyclical, “Rerum Novarum.” This seminal text, advocating for just wages, remains a foundational aspect of the Church’s social doctrine, championing the rights and dignity of the labor forcem, FFW calls on employers, instead of opposing, to remember “Rerum Novarum” and support wage hike,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Atty.Matula sa Radio Veritas.
Aprubado na sa Senado ang Senate Bill No. 2534 o 100-pesos daily minimum wage increase for workers act.
Unang nakiisa sa panawagan na wage increase ng mga manggagawa ang Manila Archdiocesan Ministry of Labor Concern.