Pagdukot sa 2 environmental defenders, kinundena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,809 total views

Kinundena ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang marahas na pagdukot sa dalawang environmental defenders sa Pangasinan.

Tinukoy ng Caritas Philippines ang mga pinuno ng Pangasinan People Strike for the Environment Inc. (PPSEI) at miyembro ng Lingayen-Dagupan Archdiocesan Ministry on Ecology na sina Francisco “Eco” Dangla III at Axielle “Jak” Tiong.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hindi makaturungan ang ginawang pagdukot sa dalawang tagapagtanggol ng kalikasan dahil ang kanilang ipinaglalaban ay para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

This violent act against Mr. Dangla and Mr. Tiong, who selflessly dedicate their lives to protecting our environment, is a flagrant assault on us all. We will not tolerate silencing those who bravely fight for a sustainable future,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Marso 24 nang dinukot at sapilitang pinasakay sa van ng mga hindi kilalang indibdwal sina Dangla at Tiong batay sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente.

Kilala ang dalawang tagapagtanggol ng kalikasan sa kanilang matapang na pagpapahayag at mariing pagtutol sa offshore mining sa Pangasinan.

Nananawagan naman si Bishop Alminaza sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang mabigyang-katarungan ang karahasang ginawa kina Dangla at Tiong.

Muli ring nagpahayag ng suporta ang Caritas Philippines para sa pagsusulong ng Human Rights Defenders Protection Act upang mapangalagaan ang bawat mamamayan lalo na ang mga indibidwal at grupo na nagtatanggol para sa karapatang-pantao.

This legislation is no longer a luxury, but a necessity. Environmental defenders and human rights advocates, like these leaders from PPSEI, deserve the shield of law from threats, harassment, and violence,” giit ni Bishop Alminaza.

Dalangin ni Bishop Alminaza na mahinto na ang pag-atake at pagbibitaw ng maling paratang sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at pangkalikasan, at sa halip ay mangibabaw ang paggalang at maayos na ugnayan para sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan.

Caritas Philippines will remain a relentless voice for those who fight to protect our environment and secure a just and sustainable future for all,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 65,326 total views

 65,326 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 88,485 total views

 88,485 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 109,759 total views

 109,759 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 275,673 total views

 275,673 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 197 total views

 197 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top