Paglilingkod at pagmimisyon, palalakasin ng Radio Veritas 846

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,584 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Radio Veritas 846 ang pagpapalakas ng himpilan sa paglilingkod at pagmimisyon.

Ito ang mensahe ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual sa pagdiriwang ng ika – 55 taong anibersaryo ng pagkatatag ng himpilang nakatalaga sa pagmimisyon ng simbahan.

Sinabi ng pari na sa pagbabago ng panahon tulad ng pag-usbong ng teknolohiya ay gagamitin ito ng himpilan para sa higit na pagmimisyong maipalaganap ang mga Salita ng Diyos sa bawat komunidad.

“Lalo pa nating palalakasin ang ating programa nationwide at sa panahong ito ng social media palalakasin natin ang social media ministry, at higit sa lahat ang multimedia platform ng Radio Veritas,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Itinuring ni Fr. Pascual na malaking biyaya ang mahigit limang dekadang paglilingkod sa kristiyanong pamayanan lalo na ang pagtataguyod sa katotohan sa gitna ng pag-iral ng fake news at misinformation.

“Ito po ay malaking grasya at responsibilidad na patuloy ipalaganap ang katotohanan na nanggagaling sa Salita ng Diyos. Lalo na ngayong napakaraming pekeng balita at half-truths, mga subjectivity, napakahalaga po na tayo po ay manindigan kung ano ang katotohanang nakaugat sa Salita ng Diyos,” ani Fr. Pascual.

Kinilala rin ng opisyal ang pagiging masigasig ng mga kawani ng himpilan gayundin ang mga obispo, pari at mga laykong nagtataguyod sa mga programang inihahandog sa Kapanalig community.

Tinukoy ni Fr. Pascual ang pagsisikap ng himpilan na makamit ang vision na maging ‘leading Social Communication Ministry for truth and new evangelization’ at ang mission na ‘To expand the Church in multimedia and establish a center for information and communication’.

Ibinahagi rin ng pari na kabilang sa mga binabalak ng himpilan sa pangunguna ng chairman nito na si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagtatayo ng permanenteng tahanan sa bahagi ng Guadalupe Minor Seminary na gagawing media hub at pagbuklurin ang mga media arm ng arkidiyosesis.

Sa kasalukuyan bukod sa mapakikinggan ang himpilan sa 846 sa talapihitan ng mga radyo, ito rin ay mapakikinggan sa Cignal Cable Channel 313 at sa E-radio portal habang matutunghayan naman ang livestreaming sa DZRV 846 Facebook Page, Veritas PH Youtube Channel gayundin sa Veritas TV sa Sky Cable Channel 211

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 1,346 total reads

 1,346 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 86,758 total reads

 86,758 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 150,600 total reads

 150,600 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 240,817 total reads

 240,817 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 323,786 total reads

 323,786 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top