Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Charity is love

SHARE THE TRUTH

 27,587 total views

Sinuportahan ng Diyosesis ng Antipolo ang mga programa ng Caritas Manila upang mapabuti ang antas ng pamumuhay ng mamamayan hindi lamang sa Metro Manila maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Tinukoy ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang isinagawang Caritas Manila- Alay-Kapwa telethon 2024 na inilalaan sa mga programa ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang pondong malilikom.

Sinabi ng Obispo na ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagsasabuhay ng pagkakawanggawa na nagpapakita ng pagmamahal.

Ayon kay Bishop Santos, sa bisa ng pagtulong ay nai-aangat sa pamamagitan ng social arm ng Archdiocese of Manila ang kalidad ng pamumuhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.

This, Caritas Manila Telethon 2024 thru Radio Veritas 846 is act of love, it is charity, charity is love, with this we show how much we care, we are so concerned with the welfare and wellbeing of our brothers and sisters, we let them feel and that we are one with them, we help, we give them hope, we are calling and encourage you, dearest listeners, We share our goods, show our goodwill and God surely will be gracious to us,

Tiniyak rin ni Bishop Santos ang pananalangin para sa pagtatagumpay ng mga inisyatibo ng Caritas Manila nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap.

Noong nakalipas na taon, tinugunan ng Caritas Manila at Diocese of Antipolo Social Action Center ang pangangailangan ng naiwang pamilya ng 27-katao na namatay sa paglubog ng pampasaherong bangka sa Talim Island Binangonan Rizal.

Kasunod nito ang pamamahagi din ng relief assistance sa mga lubhang naapektuhan ng bagyong Egay noong 2023 sa mga bayan ng Binangonan, Angono, Cardona at Montalban sa lalawigan ng Rizal na nasasakupang ng Diyosesis ng Antipolo.

Samantala, umabot sa 3.3-milyong piso ang nalikom na pondo ng Caritas Manila sa pagtatapos ng Alay-kapwa Telethon 2024.

Ilalaan ang nalikom na pondo sa mga programa ng Caritas Damayan na nakatuon sa Disaster Response Program, kabilang na ang pagpapakain sa mga biktima ng malunutrisyon, pagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga mahihirap

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 5,954 total views

 5,954 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 24,686 total views

 24,686 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 41,273 total views

 41,273 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 42,562 total views

 42,562 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 50,013 total views

 50,013 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 2,076 total views

 2,076 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 9,342 total views

 9,342 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top