Mananampalataya, hinimok na ipagkatiwala sa birheng Maria ang buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,658 total views

Ipagkatiwala sa Mahal na Birheng Maria ang buhay dahil gagabayan niya tayo tungo sa Panginoong Hesukristo at sa Diyos.

Ito ang mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa Misang kaniyang pinangunahan sa St.Joseph Shrine ng Diocese of Cubao bilang pagdiriwang sa ika 19-taong anibesaryo ng pagkakatatag ng Our Lady of Caysasay – Marikina Chapter.

Ayon sa Obispo, nawa sa tulong ng pamamagitan at pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria, ay higit na mapalalim ang pananampalataya ng mga relihiyoso at relihiyosa ng simbahan.

“Happy Anniversary! Unang-una sa members ng mga Chapters ng Marikina Chapter ng Our Lady of Caysasay at ako po’y natutuwa na makadalo dito sa inyong pagdiriwang at makapamuno ng Misa at malaking biyaya po sa atin ang pagpapakita ng ating Mahal na Ina upang ipaalam na ang Diyos ay hindi lumalayo sa atin kailanman lalo na sa mga pagkakataaon na tayo’y nasa bingit ng hirap o mga suliranin,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Bacani.

Mensahe naman ni Father Father Gilberto Fortunato II C. Dumlao – Rector at Parish Priest ng St.Joseph Shrine ng Diocese of Cubao, sa anumang pagkakataon sa buhay ay kasama ng simbahan at ng mga mananampalataya ang Mahal na Birheng Maria.

Higit na sa mga Ito ay ang paglalakbay kasama ang tao sa anumang kalbaryo ang maranasan sa buhay o komunidad kung kaya’t panghihimok ng Pari ang higit na pagdedebosyon sa Mahal na Birheng Maria at kay St.Joseph.

“Ang mensahe po natin ay magtiwala sa mahal na birheng Maria, katulad nga po ng Birhen ng Caysasay, handa siyang maglakbay paulit-ulit dahil dama rin ng Mahal na Ina ang hirap ng ating pagsunod sa Panginoon pero ang ligayang kapiling lagi siya sa ating buhay lalo na sa pananampalataya kaya’t manalig kasama ang Birheng Maria at patuloy na magdasal sa Kaniyang pamimintuho, Viva Maria!,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Dumlao.

Nagpapasalamat naman si Brother Vicente Raguero sa malugod na pagtanggap ng Diocese of Cubao at St.Joseph Shrine sa Quezon City sa kanilang religous organization ng Our Lady of Caysasay Marikina Chapter.

Ito ay upang ipagdiwang ang ika-19 na taong pagkakatatag ng organisasyon ngayong araw dahil narin katangi-tangi ang pagkakataon na ipagdiwang ang anibersaryo sa dambana kung saan pinangunahan nina Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. at Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, kasama ang mga pari ng Diyosesis ng Cubao, ang banal na misa bilang pagdiriwang.

“Very Succesful ang aming 19th Anniversarry ng Our Lady of Caysasay, dito namin ginawa sa St.Joseph Shrine sa Diocese of Cubao, pinayahan kami ni Fr.Dumlao na dito namin gawin, kaya nagpapasalamat ako dahil napakabuti ng Panginoon dahil lahat ng Grasya ay pinagkakaloob niya, Maging totoo lang tayo, pagdating sa Panginoon sa Mahal na Birhen, maging mapagmatyag din tayo lalung-lalu na ang mahal na Ina ay napakabuti, napakabait sa kaniyang Anak na si Hesukristo, kasi ang Mahal na Ina ‘It’s Always my Son'” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Raguero.

Paanyaya ni Raguero sa mga mananampalataya ang pagpapalalim ng debosyon sa Mahal na Birhen Maria sa pamamagitan ng Our Lady of Caysasay kung saan maaring makipag-ugnayan sa kaniya sa mga numero bilang 0-9-5-6-2-6-8-3-3-9 upang bisitahin ng Imahen na nasa kanilang pangangalaga ang ibat-ibang mga parokya o komunidad.

Ayon sa kasaysayan ng orihinal na Imahen ng Our Lady of Caysasay sa Batangas, magugunita na matapos mawala ng mahabang panahon muling natagpuan ang imahe ng Birhen ng Caysasay noong 1611 kung saan napagdesisyunan ng mamamayan kasama ang pari sa lugar na magtayo ng dambana para sa imahe.

December 8, 1954 kasabay ng pagdiriwang ng pista ay ginawaran ng Canonical Coronation sa Basilica of San Martin de Tours sa pangunguna ni Spanish Cardinal Fernando Quiroga bilang kinatawan ni Pope Pius XII.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 9,851 total views

 9,851 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 9,851 total views

 9,851 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 123,672 total views

 123,672 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 146,485 total views

 146,485 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 166,917 total views

 166,917 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top