Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalbaryo ng mga maralita

SHARE THE TRUTH

 85,954 total views

Mga Kapanalig, maligayang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus! Nawa’y naging mabunga ang inyong paggunita sa mga Mahal na Araw.

Sa katatapos na panahon ng Kuwaresma, isinagawa ng mga urban poor groups ang “Kalbaryo ng mga Maralita.” Taunang tradisyon na ito kung saan sila ay nagmamartsa at nagtatanghal gamit ang mga simbolo ng Semana Santa upang bigyang-pansin ang kalagayan at panawagan ng mga maralitang tagalungsod. Isinasalarawan nito ang pasyon ni Hesus bilang pagsasalamin sa kalbaryong dinaranas ng maralitang tagalungsod at sa kanilang pakikipaglaban upang makaahon sa kahirapan.

Bago ang mga Mahal na Araw, itinanghal ng mahigit tatlong daang maralitang tagalungsod at mga miyembro ng civil society organizations (o CSO) ang tradisyong ito sa tapat ng National Housing Authority (o NHA) at Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD). Nais nilang ipaabot sa mga ahensya ang anila’y kabiguan ng gobyernong pakinggan ang kanilang panawagan para sa makatao at abot-kayang pabahay. Ipinahayag nila ang pagtutol sa pagpapalawig sa tinatawag na corporate life ng NHA. Bigo raw ang ahensyang tuparin ang mandato nitong maghatid ng maayos, disente, at ligtas na pabahay para sa mahihirap. Halimbawa, karamihan sa mga relocation sites nito ay nakararanas ng matinding pagbaha, kulang sa mga batayang serbisyo, at malayo sa kabuhayan, paaralan, at ospital. 

Ipinarating din ng mga grupo sa DHSUD ang kanilang pagtutol sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (o 4PH) Program. Anila, hindi abot-kaya para sa mahihirap ang mga high-rise buildings o mala-condominium na pabahay. Sa halip na mga ganitong pabahay ang ialok sa maralitang walang sariling tahanan, ipinanawagan nila ang pagpapatupad ng community-led housing solutions katulad ng people’s plan, site upgrading, at Community Mortgage Program (o CMP). Ang mga ito, giit ng grupo, ay naaayon sa pinansyal na kapasidad at paraan ng pamumuhay ng mahihirap. Kasama rin sa panawagan nila ang pagtigil sa cancellation of awards sa resettlement areas; pagkumpuni sa mga bahay na mahinang klase; pamamahagi ng mga pabahay na itinayo na; at pagsuspinde sa kahit anong demolisyon hangga’t magkaroon ng kasunduan ang mga residente at ang gobyerno hinggil sa paraan ng pagpapaunlad ng komunidad.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, pinahahalagahan natin ang pagmamalasakit at pagkiling sa mahihirap. Sa kanyang mensahe noong Kuwaresma, binigyang-diin ni Bishop Jose Colin Bagaforo, presidente ng Caritas Philippines, ang kahalagahan ng pag-aalay ng sarili para sa kapwa. Hindi lamang ito simpleng act of charity o pagkakawanggawa. Ito ay pagkilala na lahat tayo ay magkakaugnay. Aniya, ang bawat act of compassion o pagmamalasakit ay nakatutulong sa pagkamit ng isang makatarungan at mapagmahal na lipunan.

Matagal nang naglalakbay ang mga maralitang tagalungsod para sa pinapangarap nilang makatao at abot-kayang pabahay. Kahit natapos na ang mga Mahal na Araw, sana ay ipagpatuloy pa rin natin ang pagsasagawa ng mga acts of compassion. Maliban sa pagdarasal para sa ating kapwa, samahan natin ang mga maralita sa pagpasan ng kanilang kalbaryo. Maaaring magsimula tayo sa pakikinig sa kanilang mga panawagan. Pataasin natin ang sariling kamalayan at palalimin pa natin ang pag-unawa sa kanilang kalagayan. Ibahagi natin ang kaalamang ito sa iba. Maaari ding magbigay ng donasyon at suporta sa mga nangangailangan at sa mga adbokasiyang nagsusulong ng katarungan at karapatan ng mga isinasantabing sektor. Makiisa tayo sa mga panawagan at pagkilos para sa pagbabago ng sistemang nagdudulot ng ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Mga Kapanalig, hindi nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ang pagpapakita ng malasakit sa iba. Isinasapuso at isinasabuhay dapat natin ito araw-araw. Sabayan natin sa paglalakbay ang ating kapwa at isabuhay ang wika sa Filipos 2:1 na magkaroon ng “kagandahang-loob at malasakit para sa isa’t isa.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 87,621 total views

 87,621 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 95,396 total views

 95,396 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 103,576 total views

 103,576 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 119,086 total views

 119,086 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 123,029 total views

 123,029 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 87,622 total views

 87,622 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 95,397 total views

 95,397 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 103,577 total views

 103,577 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 119,087 total views

 119,087 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 123,030 total views

 123,030 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,888 total views

 60,888 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 75,059 total views

 75,059 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,848 total views

 78,848 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,737 total views

 85,737 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 90,153 total views

 90,153 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 100,152 total views

 100,152 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 107,089 total views

 107,089 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 116,329 total views

 116,329 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,777 total views

 149,777 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,648 total views

 100,648 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top