Gawing makatao ang pangangalaga sa mga may sakit at kapaligiran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,511 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ika-28 taon ng paggunita sa World Day for the Sick ngayong ika-11 ng Pebrero 2020.

Paliwanag ni Fr. Dan Cancino, M.I., executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care, ngayong ang buong mundo ay sinusubok dahil sa paglaganap ng Novel Corona Virus (nCoV), hamon ng Santo Papa ay muling nagpangibabaw sa kahalagahan ng buhay ng tao, at ang pagtrato dito ng tama lalu na ang mga may karamdaman na naisasantabi sa lipunan.

“Ang buong mundo ay hinahamon ng Novel Corona Virus na ito, at iba’t-iba pang hamon sa kalusugan, sa buhay, sa relasyon, magandang balikan natin ang World Day of the Sick na pinapamutawi ang kahalagahan ng tao. Sana imbis na tayo ay mag-politics, pansariling kapakanan ang iniisip, magandang i-humanize natin ang ating mga services,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.

Dagdag pa niya, mahalaga din ang pagkilala at pagsuporta sa mga taong nangangalaga sa mga may sakit, mga doktor at nurse, mga eksperto at siyentipikong nag-aaral upang mabigyang lunas ang mga karamdaman.

Sa huli, sinabi ng pari na mananatili ang paninindigan ng simbahan at hindi ito titigil sa pakikilahok sa usapin na may kaugnayan sa kalusugan, buhay ng tao, pamilya, relasyon sa kapwa at sa kalikasan.

Aniya ang mga nagaganap na nakakaapekto sa kalusugan ng tao ay may kaugnayan din sa kung paano tratuhin ng tao ang kalikasan.

Naniniwala si Fr. Cancino na magandang balikan ng bawat isa ang pagiging kaugnay ng tao sa kalikasan, at ang pangangalaga din dito bilang nag-iisang tahanan na ipinagkaloob ng Panginoon.

“Ito din ay connected sa kalikasan natin at ngayon na naapektuhan ang ating kalusugan kung pano rin natin alagaan ang ating kalikasan ang ating ginagalawang mundo. Itong World day of the Sick katangi-tangi dahil ngayong 2020 napakaraming nangyayari sa ating bansa. Magsama-sama tayo, ito’y hindi kaya ng isang kagawaran lang, simbahan lang, ito yung panahon na magkaisa, magsama-sama tayo bilang isang sambayanan, bilang isang mundo.” Dagdag pa ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 34,205 total reads

 34,205 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 70,769 total reads

 70,769 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 88,980 total reads

 88,980 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 173,308 total reads

 173,308 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 209,119 total reads

 209,119 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,171 total reads

 378,171 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top