Restorative justice, pairalin ng pamahalaan sa Tokhang 2

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 434 total reads

Kinakailangang tutukan ng pamahalaan ang pangkalahatang karapatan ng mga mamamayan na maaring makatugon sa kahirapang nagtutulak sa karamihan na pumasok sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Ito ang panawagan sa pamahalaan ni Former Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales kaugnay sa “Project Double Barrel: Reloaded” ng Philippine National Police (PNP) na inilunsad noong ika-6 ng Marso bilang pagpapatuloy sa Anti-Illegal Drugs Campaign ng pamahalaan.

Pinayuhan ni Rosales ang pamahalaan at mga otoridad na paiiralin ang restorative justice at hindi ang pagpaslang sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot na biktima lamang ng sitwasyon.

“Higit sa 7-libo na ang pinaslang dahil sa patakaran sa droga eh sana mabago na yan, ihinto na yung pagpapatay at bigyan ng pag-asa ang tao, ang restorative justice dapat, sapagkat ang mga nagdo-droga ay may sakit sila ito ay health problem. Yun namang mga peddlers yung nagbebenta ng droga malamang mahihirap lahat ito wala silang hanapbuhay, so dapat intindihin natin dun sa karapatan sa kabuhayan, karapatan sa kalusugan, karapatan sa buhay…”pahayag ni Rosales sa Radio Veritas

Matatandaang bago suspendihin ang Oplan Tokhang noong buwan ng Enero ay mahigit sa 7 libo na ang nasawi sa War on Drugs ng pamahalaan na nagsimula noong July 2016.

Habang sa kasalukuyan ay umaabot na sa 34 ang namatay sa implementasyon ng “Project Double Barrel: Reloaded” ng PNP na nagsimula lamang ngayong buwan ng Marso.

Sa tala, aabot sa 7,833 mga drug pushers at users na sumuko sa mga otoridad bukod pa sa 2,132 drug suspects na naaresto sa mga operasyon.

Samantala, una na ding nanawagan ang CBCP-NASSA/ Caritas Philippines sa pamunuan ng PNP na bilang mga tagapag-tiyak sa kaayusan at kaligtasan ng taumbayan ay kailangan nilang maging tapat, makatao at maka-Diyos sa pagganap ng tungkuling sinumpaan.

Read: http://www.veritas846.ph/makataong-police-procedure-hamon-sa-p-n-p-sa-oplan-tokhang-2/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,628 total reads

 52,628 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,151 total reads

 132,151 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,598 total reads

 165,598 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,896 total reads

 200,896 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,323 total reads

 425,323 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top