VeritasPH

The Word, The Truth

Sagot ba ang martial law sa Mindanao?

SHARE THE TRUTH

 236 total views

Mga Kapanalig, sa ikatlong pagkakataon, muling pinalawig ang batas militar o martial law sa buong Mindanao. Noong isang lingggo, pinagbigyan ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Duterte na i-extend ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng Disyembre 2019.

Kung inyong matatandaan, isinailalim ng pangulo ang Mindanao sa martial law noong Mayo 2017 bilang tugon sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi. Sa ilalim ng martial law, kontrolado ng militar ang mga lugar, bagamat umiiral pa rin ang Saligang Batas at ang gumagana pa rin ang mga korte. Hindi rin nito awtomatikong sinususpinde ang writ of habeas corpus o pinapayagan ang warantless arrests, maliban na lamang kung sangkot ang mga nais dakpin sa rebelyon o pananakop.

Inaprubahan din noon ng Kongreso ang proklamasyon ng pangulo sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo dahil maaari itong magbunga ng pag-abuso sa karapatang pantao. Sa halip na sa Marawi lamang kung saan nagaganap ang bakbakan, buong Mindanao ang inilagay sa batas militar. Kinatigan ng Korte Suprema noong Hulyo 2017 ang martial law. Noong buwan ding iyon, sa nalalapit na pagtatapos ng 60 araw na martial law sa Mindanao, pinalawig pa ito ng Kongreso hanggang sa katapusan ng 2017. Makalipas ang mahigit apat na buwang sagupaan, idineklarang malaya na ang Marawi mula sa Maute Group. Sa kabila nito, muling pinalawig ng Kongreso ang martial law sa buong Mindanao hanggang matapos ang 2018 upang maubos raw ang mga natitirang puwersa ng rebeldeng grupo. Ito pa rin ang katwiran ng pamahalaan para sa ikatlong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Para kanino nga ba ang martial law sa Mindanao, mga Kapanalig? Sagot nga ba ito sa patuloy na kaguluhan sa Mindanao?

Para sa ilang Muslim at tribal groups sa Mindanao,  hindi sagot ang pagpapatuloy ng martial law sa mga suliraning kinakaharap nila. Pinaiigting nito ang mga pang-aabusong gawa ng militar at paramilitary groups. Ayon sa Sandugo Movement of Moro and Indigenous Peoples, mula nang manungkulan si Pangulong Duterte ay may 54 na katutubo na ang napapatay, mayroong 182 na kaso ng illegal detention, at 67 insidente ng forced evacuation ng tribal communities na mayroong 3,000 na apektadong indibidwal. Tumindi ang lahat ng ito noong idineklara ang martial law sa buong Mindanao. Ayon naman sa grupong Karapatan, umpisa noong Mayo  2017, mayroong 88 katao na sinasabing pinatay ng militar at paramilitary groups, mahigit 1,000 ang iligal na inaresto, at 300,000 na apektado sa pambobomba sa mga komunidad.

Patunay ang muling pag-e-extend ng martial law sa Mindanao na hindi nito tinutuldukan ang nagpapatuloy na kaguluhan doon, na hindi ito ang tamang hakbang tungo sa pangmatagalang kapayapaan doon. Nakalulungkot na hindi nakikita ng mga pabor sa martial law, kabilang ang ilang mga taga-Mindanao, ang implikasyon nito sa karapatang pantao kapalit ng inaakala nilang mas mapayapang kapaligiran.

Mga Kapanalig, ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan o hidwaan. Bunga ito ng katarungan at pag-ibig. Ang tunay na kapayapaan ay nakatuntong sa tamang pagtingin sa tao, sa pagkilala sa kanyang dignidad, at sa paggalang sa kanyang mga karapatan. Walang kapayapaan kung nilalapastangan ang tao, bagay na nangyayari sa tuwing kumikiling tayo sa paggamit ng dahas upang tugunan ang anumang hamon o problemang kinakaharap natin. Sinisira ng karahasan ang sinasabi nitong layunin nito–ang pangalagaan ang dignidad, buhay, at kalayaan ng tao.

Mga Kapanalig, sa patuloy na pagkiling ng pamahalaan sa karahasan, pagnilayan natin ang mga salita ni St. John Paul II, “Huwag tayong matakot na bigyang-pagkakataon ang kapayapaan at magturo ng kapayapaan… Magsikap para sa kapayapaan [dahil] ito ang magiging huling salita ng kasaysayan.”

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 10,648 total views

 10,648 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 18,633 total views

 18,633 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 26,169 total views

 26,169 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 42,154 total views

 42,154 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 50,198 total views

 50,198 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 10,649 total views

 10,649 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 18,634 total views

 18,634 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 26,170 total views

 26,170 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 42,155 total views

 42,155 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 50,199 total views

 50,199 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,906 total views

 45,906 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,331 total views

 44,331 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,117 total views

 46,117 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,042 total views

 43,042 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,356 total views

 57,356 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,046 total views

 61,046 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,649 total views

 59,649 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,636 total views

 69,636 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,604 total views

 73,604 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,491 total views

 84,491 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top