Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Samahan ang Santo Papa sa pagdarasal para sa kapayapaan, paanyaya ng pari sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

 41,712 total views

Inihayag ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino at correspondent ng Radyo Veritas sa Vatican ang patuloy na panalangin ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV para sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa daigdig.

Ayon sa Pari, mahalaga ang pakikiisa ng lahat sa pananalangin ng Santo Papa para sa kapayapaan at kaayusan ng daigdig.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Santo Papa sa mga lider at opisyal ng iba’t ibang bansa upang malaman ang kalagayan ng mga mamamayan lalo’t higit sa mga bansang may nagaganap na sigalot o kaguluhan.

“Yung ating Santo Papa, ka-meeting niya din ang mga head of states, nagtatawagan din sila ng ibang president.

Patuloy ang concern ng Santo Papa sa mga ito, at sana tayo masamahan natin ang Santo Papa sa kaniyang pagdarasal.”

Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Paliwanag ng Pari, patuloy ding nananawagan si Pope Leo XIV sa bawat isa upang tumulong sa kapwa na makapagbigay ng pag-asa sa buhay bilang daluyan ng habag, awa, pag-ibig, biyaya at pag-asa ng Panginoon sa sanlibutan.

“Sabi din ni Pope Leo, tayo din ang tumulong sa iba – tayo din ang tumulong na magbigay ng pag-asa sa kapwa, kasi minsan makakaya naman natin – makakatulong naman tayo, minsan tayo pala ang pinadaanan ng Panginoon – tayo pala ang instrument, ang channel na nakadating ang kaniyang grasya sa ating kapwa.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Giit ng Pari, dapat na maunawaan ng lahat na ang bawat Katoliko ay may tungkulin na maging katuwang ng Panginoon sa pagbabahagi ng pag-asa lalo’t higit sa mga nangangailangan at mga dumaranas ng iba’t ibang mga pagsubok sa buhay.

“Mga kapatid sana ay maalala natin lagi na – tayo din ang tumutulong din sa Panginoon na magbigay ng pag-asa sa ating kapwa, kaya ipagdasal nating ang ating mga kapwa lalo na yung mga naghihirap sa sitwasyon na hirap lumabas.” Ayon kay Fr. Gaston.

Sa Pilipinas kapwa naman nananawagan ang Simbahang Katolika sa mga magkatunggaling bansa na magkasundo para sa negosasyon at dayalogo upang magkaisang isulong ang kapayapaan sa mundo.

Bukod sa Israel at Iran, umiiral pa rin ang sigalot sa Gaza gayundin sa Ukraine at Russia at maging sa iba pang panig ng mundo kung saan milyong katao na ang nagsilikas para sa kaligtasan mula sa karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 12,411 total views

 12,411 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 35,243 total views

 35,243 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 59,643 total views

 59,643 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 78,650 total views

 78,650 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 98,393 total views

 98,393 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 22,443 total views

 22,443 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Scroll to Top