Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Senador de Lima, pinayuhang huwag magpatinag

SHARE THE TRUTH

 353 total views

Hinikayat ni Huwag kang Papatay movement convenor at Archdiocese of Manila Public Affairs Ministry director Father Atillano Fajardo si Senator Leila De Lima na huwag magpatinag sa ginagawang character assassination ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

Ayon kay Father Fajardo, walang sinuman ang hindi nagdaan sa kasalanan at may kahinaan kaya’t wala ring sinuman ang dapat na maghusga.

“Dapat siyang magpakatatag. Dahil hindi madali ang ginagawa niya. Huwag patitinag, ang ipinaglalaban nya ay para sa bayan. Kaya’t ipagdarasal natin siya. Tayong lahat ay may pinagdaaanang mga kahinaan, kasalanan, at nabigyan ng pagkakataon na magbago at patawarin. Iyan ang pagkakataon na hindi naibigay sa mga napaslang,” ayon kay Fr. Fajardo.

Si De Lima ang nagsumite ng petisyon sa Senado para imbestigahan ang mga nagaganap na pagpaslang kasabay ng drug campaign ng administrasyong Duterte.

Sa tala ng Philippine National Police, mahigit-kumulang sa 700 mga hinihinalang addict at pusher ang napaslang ng mga pulis at mga vigilante group at di pa kilalang mga salarin.

Umaabot naman sa kalahating milyong katao ang sumuko para sumailalaim sa drug rehabilitation program.

Iginiit ng pari na hindi dapat maging hadlang sa adbokasiya ng mambabatas sa pagsusulong ng karapatang pantao para sa mga biktima ng pamamaslang ang mga pahayag ng Pangulong Duterte.

Nilinaw ni Father Fajardo na ang lahat ay nagkasala at may karapatang bigyang pagkakataon na hindi naibigay sa mga biktima ng extra judicial killings.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,680 total views

 39,680 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,768 total views

 55,768 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,256 total views

 93,256 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,207 total views

 104,207 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 64,363 total views

 64,363 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 90,178 total views

 90,178 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 130,733 total views

 130,733 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top