Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 161,453 total views

Alam mo ba kapanalig, na umaabot sa 15 million ang single parents sa ating bayan? Sa bilang na ito, 95% ay mga babae.

Timely, kapanalig, na mapag-usapan natin ito, lalo na at parating na ang kapistahan ni San Jose ngayong Marso 19. At pag usapin ng pagiging ama, si San Jose ang isa sa pinakamatingkad nating modelo.

Halos lahat ng single parents natin, kapanalig, babae. Isipin na lang natin kung iniwan din ni San Jose si Maria, paano na lamang kaya sila ni Hesus? Kaya’t napaka-tapang, mapagmahal, at  masunurin nga ni San Jose, ng ayon nga sa Mateo 1:18 …An angel of the Lord appeared to him in a dream, saying, “Joseph, son of David, do not be afraid to take Mary as your wife, for that which is conceived in her is of the Holy Spirit… Sinunod niya ito at pinalaki si Hesus kasama si Maria. Sana all, hindi ba, gaya ni San Jose.

Sa panahon natin ngayon, ang pagiging single parent ay di na bago. Pero kapanalig, hindi purke’t madalas itong mangyari ay masasabi na natin itong tama o madali. Sino ba namang umibig ang di magnanais na makasama ng habambuhay ang kanyang iniibig, hindi ba? Kaya’t sana, sa panahon natin ngayon, bigyan nating halaga ang salitang commitment, at gawin natin itong pantali o bigkis sa ating mga samahan, lalo na sa mga kinakasal.

Hindi biro ang mag-asawa – gaya ng pagpapari  o pagmamadre, isa itong bokasyon, isang calling. Yakapin natin ito at bigyang halaga. Ito ay inyong pangako o vow, hindi lamang sa inyong asawa, kundi sa ating pamayanan at lipunan, at lalo na sa Diyos. Sa inyong pag-aasawa, sabay niyong gagampanan ang inyong bahagi o papel sa pagtataguyod ng pamilya, na siyang batayang yunit ng lipunan. Kung ating isasakatuparan ang commitment na ito, mababawasan ang mga babaeng nagiging single parent sa ating lipunan.

Pero aminin natin na may mga pagkakataon, kapanalig, ayaw man ng indibidwal o gusto, na nagiging single parent ang isang tao. Sa ganitong sitwasyon, tayo bilang simbahan, bilang isang lipunan, ay dapat magbigay hindi lamang simpatya o awa, kundi suporta. Kahit single o hindi, kapanalig, hindi ba’t mahirap na ang maging ama o ina sa ating mundo ngayon? Ang uri ng trabaho ng marami sa atin ay hindi child o family friendly. Maski ang ating lansangan ay hindi family friendly. Hindi mo madadala ang anak mo sa trabaho, at walang reliable at abot kayang child services  sa ating bayan kung saan natin maipapag-katiwala ang ating mga anak habang tayo ay tutok sa pagkayod. Kailangan, kapanalig, na mabago natin ang gawi o way of work sa ating lipunan. Kailangan ikonsidera na marami ang may pamilya, at kung nais natin na ma retain ang mga manggagawa, kailangan natin i-integrate ang kanilang family sa kanilang work life. May balanse dapat. Sabi nga sa Pacem in Terris, “Most careful provision must be made for the family both in economic and social matters as well as in those which are of a cultural and moral nature, all of which look to the strengthening of the family and helping it carry out its function.” Para sa mga single parents ngayon na nagtataguyod ng pamilya mag-isa, mas malalim, mas makahulugan, at mas mabilis na probisyon dapat ang ating ilalaan, upang mapalakas pa natin ang kanilang kalooban, mas ma-empower natin sila makita ang kanilang kakayahan,  at ng maabot nila hindi lamang ang kanilang potensyal, kundi lahat ng pangarap nila para sa sarili at sa kanilang mga anak.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 64,624 total views

 64,624 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 86,734 total views

 86,734 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 162,344 total views

 162,344 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 161,633 total views

 161,633 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang bayanihan

 64,626 total views

 64,626 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 86,736 total views

 86,736 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 162,346 total views

 162,346 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »
Scroll to Top