Caritas Philippines, dismayado sa pagpanig ng mga Senador kay Quiboloy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,841 total views

Dismayado ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanig at tila pagsuporta ng ilang senador kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na nahaharap sa iba’t-ibang kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.

Ayon sa Caritas Philippines na kasalukuyang pinangangasiwaan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi maituturing na paniniil ang pagpapanagot kay Quiboloy upang mabigyang katarungan ang mga biktima nito ng human trafficking, sexual abuse at iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Iginiit ng Caritas Philippines na hindi dapat na ipagsawalang bahala ang mga seryosong kinahaharap ni Quiboloy na maituturing din na pagsasantabi sa hinahangad na katarungan ng mga biktima nito.

“Caritas Philippines, speaking on behalf of the oppressed and victimized by abuse, is deeply disappointed and dismayed by the recent pronouncements of Senator Imee Marcos regarding the ongoing investigations into Apollo Quiboloy and the Kingdom of Jesus Christ (KOJC). We strongly reject any insinuations that the pursuit of justice for alleged victims of human trafficking, sexual abuse, and other criminal activities constitutes “oppression.” To suggest that due process somehow equates to shielding individuals from accountability, especially when facing such serious accusations, is a dangerous and frankly offensive distortion of the legal system.” Bahagi ng pahayag ng Caritas Philippines.

Unang nanawagan si Bishop Bagaforo sa mga mambabatas sa Senado at Kamara na manindigan sa kanilang tungkuling tiyakin ang pananaig ng katarungan at katotohanan sa lipunan lalo’t higit para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Iginiit ng Obispo na mahalagang tuwinang manaig ang batas at patas na katarungang panlipunan upang mapanagot ang mga nakagawa ng pagkakasala.

We call upon the Philippine Congress, particularly the Senate, to assert its authority and ensure a thorough and impartial investigation into these allegations… The integrity of the rule of law and the pursuit of justice demand that all individuals, regardless of their position or influence, are held accountable for their actions.” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Sa kasalukuyan apat na senador na ang pumirma laban sa pag-aresto kay Quiboloy matapos na irekomenda ni Senate Committee on Women Chairman Senator Risa Hontiveros ang pag-aresto at pag-cite for contempt kay Quiboloy dahil sa hindi nito pagdalo sa tatlong pagdinig kaugnay sa mga akusasyon ng sexual abuse sa mga miyembro ng kanyang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) church.

Kabilang sa apat na senador sina Senator Robinhood Padilla, Imee Marcos, Bong Go, Cynthia Villar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 2,107 total views

 2,107 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 25,259 total views

 25,259 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 95,371 total views

 95,371 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 169,985 total views

 169,985 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 249,928 total views

 249,928 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 2,771 total views

 2,771 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top