Caritas Philippines, nababala sa joint investment ng 3-malaking kumpanya sa LGN project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,846 total reads

Nababahala ang social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa joint investment ng tatlong malalaking kumpanya sa bansa para sa liquified natural gas project sa Batangas.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang pamumuhunan ng Meralco PowerGen Corporation at Aboitiz Power ng Sabin Aboitiz sa proyekto ng San Miguel Global Power Holdings Corporation ay makadagdag lamang sa matagal nang suliranin na hindi pa rin natutugunan.

Itinuturing ni Bishop Alminaza na kaduda-duda ang mga pahayag na ang paggamit sa fossil gas bilang mapagkukunan ng enerhiya ay abot-kaya para sa mamamayan gayong napatunayan na sa iba’t ibang pag-aaral na lalo lamang itong makadaragdag sa mga gastusin at panganib sa seguridad ng kuryente.

“The increased reliance on a likely heavily imported fossil fuel whose price wildly fluctuates in the global market worsens the instability and vulnerability of the Philippine energy sector. This translates to more expensive electricity bills for Filipinos and energy insecurity,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Inihayag ng obispo na ang binabalak na proyekto at ang kasalukuyang coal-fired power plants sa Batangas ay higit na magdudulot ng panganib sa Verde Island Passage na itinuturing na center of the center of marine shore fish biodiversity sa buong mundo.

Binigyan diin ni Bishop Alminaza ang proyekto ay labis na makakaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda lalo na sa mga lalawigan ng Palawan, Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, at Romblon.

“If gas is intended to be a ‘transition fuel’, the proposed frameworks governing the sector do not reflect this motive… Without such strict rules in place, projects like the SMC-led gas plants in Batangas would become even more common in the country and steer us further away from what our ‘endgame’ should be: RE development aligned with a truly sustainable Philippines,” saad ni Bishop Alminaza.

Nagkakahalaga ng USD3.3-bilyon ang proyekto na magsisilbing pondo para sa 1,278-megawatt Ilijan power plant at 1,320-megawatt combined cycle power facility.
Apela ni Bishop Alminaza na gamitin na lamang ang pondo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng renewable energy sector sa Pilipinas, na makatutulong din sa pagtugon sa climate change, at kapakanan ng kaligtasan at kalusugan ng mamamayan at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 2,819 total reads

 2,819 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 88,231 total reads

 88,231 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 152,073 total reads

 152,073 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 242,111 total reads

 242,111 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 325,020 total reads

 325,020 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 219,542 total reads

 219,542 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top