Insidente ng karahasan sa BARMM elections sa Cotabato, iniimbestigahan pa ng mga otoridad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,218 total reads

Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na patuloy na iniimbestigahan ang insidenteng naganap sa pila ng mga botante sa BARMM Parliamentary Elections na nagresulta umano sa pagkamatay ng tatlong katao at pagkasugat ng 15 iba pa.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, inihayag ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano na kasalukuyang nasa BARMM na batay sa paunang impormasyong nakalap ng PPCRV, may kinalaman umano ang insidente sa pag-aagawan ng puwesto sa pila na nagsimula dakong alas-11 ng gabi, bagama’t patuloy pa ring inaalam ang buong pangyayari.

Binigyang-diin ni Serrano na hindi dapat nauuwi sa karahasan ang isang halalan, lalo na kung may mga buhay na nawala.

“Kasalukuyan ‘yang iniimbestigahan at inaalam kung ano ba ‘yung talagang mga totoong pangyayari. Pero sa nakalap nating balita ay dahil ito doon sa pag-aagaw ng mga pagpwesto sa pagpila mula 11:00 ng gabi at ‘yung alinsunod na mga pangyayari na ganyan. Kaya nga ayaw natin na may mga ganyang pangyayari, at lalong-lalo na kung meron pang nabuwis na buhay.” Bahagi ng pahayag ni Serrano sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ni Serrano na binibigyan ng malaking halaga ng PPCRV ang kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections dahil ito ang unang pagkakataon na direktang boboto ang mga mamamayan para sa mga magiging miyembro ng kanilang Parliament.

Ayon kay Serrano, naiiba ang BARMM Parliamentary Elections sa nakaraang sistema kung saan ang mga miyembro ng Bangsamoro Parliament ay itinalaga.

“Talagang binibigyan namin ‘to talaga ng importansya at ng significance dahil kauna-unahan ito na taumbayan ang pipili at boboto para sa magiging miyembro ng Parliament na, unlike dati, ay appointed ito ng Malacañang.” Dagdag pa ni Serrano.

Ipinaliwanag din ni Serrano ang magiging komposisyon ng 80-miyembrong Bangsamoro Parliament.

Sa kabuuan, 40 miyembro ang magmumula sa mga political party, 32 ang ihahalal bilang district representatives mula sa anim na parliamentary areas ng BARMM, at walong sectoral representatives naman ang bubuo sa natitirang bahagi ng Parliament.

Inihalintulad din ni Serrano sa party-list system ang party representation, kung saan ang mga partidong makakakuha ng hindi bababa sa 2.5 porsiyento ng kabuuang boto ay maaaring magkaroon ng kinatawan.

Para naman sa sectoral representation, kabilang sa mga sektor ang Indigenous Peoples, Ulama, traditional leaders, kabataan, at kababaihan.

Bukod dito, sinabi ni Serrano na kailangang 30 porsiyento ng mga kinatawang manggagaling sa political parties ay kababaihan.

“Kaya medyo kakaiba ‘yung ating makikitang kabuuan nitong parlamento para sa halalan ngayon.” Ayon pa kay Serrano.

Kapansin-pansin din aniya ang dami ng mga international observers na nakasubaybay sa unang parliamentary elections sa BARMM kabilang ang ilang European Union observers at iba pang mga kinatawan mula sa Japan, Australia, Turkey, Asian Network for Free Elections (ANFREL), at France.

Samantala, ipinaliwanag din ni Serrano na automated ang halalan at gagamit ng automated counting machines mula sa Miru ng South Korea kung saan mayroon ding mga election returns na maaaring bantayan ng mga watchers at accredited citizens’ arms mula simula hanggang matapos ang proseso.

Sa bahagi ng PPCRV, sinabi ni Serrano na mayroon silang transparency server sa Circuit Makati, local command center sa Phinma Building sa Makati, at command center sa BARMM upang masubaybayan ang mga resulta ng halalan.

Mahalaga, ayon sa PPCRV, ang malawak na pagbabantay sa unang parliamentary elections upang mapangalagaan ang integridad ng boto at matiyak na ang boses ng mga botante ang tunay na mananaig sa pagpili ng kanilang mga magiging kinatawan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,105 total reads

 27,105 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,817 total reads

 50,817 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,925 total reads

 89,925 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,053 total reads

 124,053 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,459 total reads

 180,459 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,106 total reads

 27,106 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top