Pagpapakita ng mahal na birheng Maria, pagbabalik tungo sa landas ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,310 total reads

Inihayag ng isang pari na ang tunay na layunin ng mga pagpapakita ng Mahal na Birhen ay hindi upang palitan o higitan ang Ebanghelyo kundi upang ituro at gabayan ang mga mananampalataya pabalik kay Hesukristo.

Ayon kay Fr. Raymond Joseph Arre, rector at parish priest ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Hope, sa kanyang panayam sa Diocesan Fatima Conference nitong September 13 sa National Shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela City sa paksang ‘Marian Apparitions: Call to Penance and Conversion’, sinabi ng pari na iisa ang pangunahing direksyon ng mga pagpapakita ng Mahal na Birhen: ang pagbabalik tungo sa landas ni Hesus.
“Mary appeared in the different apparitions because she wanted us, she wanted herself to point us back to Christ. Itinuturo ng Mahal na Ina sa bawat pagpapakita niya ang kanyang Anak na Panginoong Hesus,” ayon kay Fr. Arre.

Binigyang-diin din ng pari na hindi dapat gawing higit na mahalaga ang mga aparisyon kaysa sa Salita ng Diyos.

“Huwag po nating gawing mas mahalaga ang apparition kaysa sa Ebanghelyo. Kailangan malinaw sa atin na ang Ebanghelyo ang nasa tugatog ng ating buhay pananampalataya,” ani Fr. Arre.

Iginiit ng pari na si Maria ay hindi dapat ituring na destinasyon ng pananampalataya, kundi tagapagturo patungo kay Kristo.

“Mary is not the destination. Who is the destination? Jesus. Jesus is always the destination,” aniya.

Sinabi pa ni Fr. Arre na ang tunay na debosyon sa Mahal na Birhen ay dapat makita sa pagbabago ng buhay at hindi lamang sa dami ng mga panalanging nasasambit o gawaing panrelihiyon na isinasagawa.

Kaugnay nito, sinabi niyang ang penance ay hindi lamang tungkol sa pagdurusa o pagpapahirap sa sarili kundi higit sa lahat ay pagbabalik-loob sa Diyos.

“Penance is more than suffering… But penance is not about suffering, brothers and sisters. It is about turning to God,” ani Fr. Arre.

Binigyang-diin niya na walang kabuluhan ang mabibigat na penitensya kung walang tunay na pagbabago sa pagkatao at pakikitungo sa kapwa.

Hamon ng pari sa mga deboto na suriin ang sarili kung ang kanilang pagdidebosyon ay nagdudulot ng pagbabago at higit na pagiging disipulo ni Hesus.
“Devotion must become discipleship,” giit ng pari.

Binalaan din ni Fr. Arre ang mga deboto na maigng maingat at mapanuri sa mga sinasabing pagpapakita ng Mahal na Birhen, dahil hindi lahat ng tinatawag na aparisyon ay kinikilala ng Simbahan.

Ayon sa pari, ang sukatan ng tunay na debosyon ay ang mga bungang nakikita sa buhay ng mga deboto, kung sila ba ay nagiging higit na lumalalim ang buhay pananalangin, mapagpatawad, mapagkawanggawa, tapat, masunurin sa Ebanghelyo at higit na kaisa ng Simbahan.

Hinikayat ni Fr. Arre ang mga deboto na isalin sa konkretong pagkilos ang kanilang debosyon kay Maria, kabilang ang pagbabalik sa Kasulatan, taimtim na pagdarasal ng Rosaryo, pagkukumpisal, paglilingkod, pagiging tapat sa pananampalataya at pagtulad sa halimbawa ng Mahal na Ina.

Binigyang-diin niyang ang hamon ng Marian devotion ay “From apparition to action,” upang ang panalangin at debosyon ay humantong sa tunay na conversion at pagbabago ng buhay.

Aniya, ang pinakapuso ng mensahe ng Mahal na Birhen sa kanyang mga pagpapakita ay nananatiling isang paanyaya na bumalik sa kanyang Anak na si Hesus.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,104 total reads

 27,104 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,816 total reads

 50,816 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,924 total reads

 89,924 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,052 total reads

 124,052 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,458 total reads

 180,458 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top