Residencia Sacerdotal, pasasalamat sa mga paring nagsakripisyo na tumugon sa tawag ng diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,652 total reads

Tiniyak ng Diocese of Antipolo na hindi pababayaan ang mga paring naglaan ng kanilang buong buhay sa paglilingkod sa Simbahan, sa pamamagitan ng pagtatayo ng Residencia Sacerdotal sa loob ng Obispado de Antipolo complex sa Antipolo City.

Ito ang binigyang-diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa groundbreaking ceremony ng pasilidad na magsisilbing tahanan ng mga nakatatanda at mga retiradong pari ng diyosesis.

Ayon kay Bishop Santos, ang Residencia Sacerdotal ay konkretong pagpapakita ng pasasalamat sa mga paring nagsakripisyo ng sariling tahanan, pangarap at personal na buhay upang tumugon sa tawag ng Diyos.

“Malaki ang kanilang pinagpakasakit. Iniwan nila ang kanilang ama’t ina, iniwan nila ang kanilang bahay, ’yung kanilang pangarap, ’yung kanilang balak sa kanilang pansariling buhay, at tinalikuran nila ang lahat. Sila’y tumugon sa tawag ng Diyos, at wala silang matitirhan. Wala silang bahay,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na matapos ang mga dekadang paglilingkod ng mga pari sa sambayanan, panahon na ngayon para alagaan sila ng Simbahan.

“Kami ang inyong ama’t ina, kami ang inyong mga kapatid… at ang aming pagkilala ng pasasalamat ay pagpapagawa sa inyo ng bahay,” dagdag pa ng obispo.

Itinampok ng diyosesis ang tema ng proyekto na “Kami ay inyong pinaglingkuran, kayo naman ay aming aalagaan.”

Kinilala ni Bishop Santos ang maraming dekadang paglilingkod ng mga pari kasama ng mga mananampalataya sa iba’t ibang yugto ng kanilang buhay, kabilang ang paggawad ng mga sakramento, pagbibinyag sa mga anak, pagbabasbas sa mga tahanan, pagdamay sa panahon ng karamdaman at pagluluksa, hanggang sa tahimik na pananalangin para sa kanilang mga nasasakupan.

Binigyang-diin na ang buong bokasyon ng pari ay “a life of service, a life poured out for the People of God,” kaya nararapat lamang na masuklian ito ng pagkalinga at pasasalamat.

Inilarawan ang Residencia Sacerdotal bilang isang “home of rest, dignity, and fraternity,” kung saan maaaring mamuhay nang payapa ang mga elderly at retired priests, makatanggap ng nararapat na pangangalaga, at magpatuloy sa kanilang ministeryo sa mas mahinahon na paraan.

Iginiit din ng diyosesis na ang proyekto ay kolektibong pagpapahayag ng pasasalamat sa ilang dekadang katapatan at dedikasyon ng mga pari.

“It is our promise that no priest will grow old alone, and no priest will be forgotten,” giit ni Bishop Santos.

Umaasa si Bishop Santos na magsilbing huwaran ang inisyatiba ng Diocese of Antipolo para sa iba pang diyosesis na nais magtayo ng sariling tahanan para sa kanilang mga nakatatandang pari.

Mensahe ng obispo sa iba pang diyosesis na gawin din ang kanilang makakaya upang maalagaan ang mga paring naglilingkod sa Simbahan.

“Ito ay challenge, inspiration na magagawa ninyo rin, makakaya ninyo, at magagawa ninyo rin ng higit pa sa aming naipakita,” ayon sa obispo.

Nanawagan din ang obispo sa mga mananampalataya na makiisa sa pangangalaga sa mga pari, hindi lamang sa pamamagitan ng pananalangin kundi sa aktuwal na pakikibahagi sa buhay at mga pangangailangan ng Simbahan.

Aniya, ang pagkalinga sa mga pari ay hindi lamang pagkilala sa kanilang nakaraan kundi isang inspirasyon para sa mga bagong bokasyon sa pagpapari.

“Ito ay pampalakas ng bokasyon sa iba at inspirasyon din na gusto nilang maging pari,” saad pa ni Bishop Santos.
Ang Residencia Sacerdotal ay isang tatlong-palapag na gusali na may 24 na silid na ilalaan sa mga pari na magre-retiro.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 27,109 total reads

 27,109 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,821 total reads

 50,821 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,929 total reads

 89,929 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 124,057 total reads

 124,057 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,463 total reads

 180,463 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top