Suporta at pakikiisa kay Bishop Mangalinao, bumuhos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,052 total views

Nagpahayag ng pakikiisa at suporta ang Justice, Peace and Integrity of Creation Commission ng Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP-JPICC at mga mission partner nito kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay ng kanyang pagtutol sa mga pagmimina na nagbabanta sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidad sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Sa inilabas na pahayag ng grupo na may titulong “A Test of Leadership, A Call to Conscience,” binigyang-diin ng CMSP-JPICC ang suporta sa Obispo na patuloy na ginagampanan ang kanyang pastoral na tungkulin sa pagtatanggol sa sangnilikha at sa mga mamamayang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

Ayon sa grupo, nakababahala ang isinampang kasong sibil laban kay Bishop Mangalinao at ilang environmental advocates bunsod ng kanilang pagtutol sa mga aktibidad ng pagmimina sa rehiyon.

“The Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (JPICC) of the Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), together with our Mission Partners, expresses its profound solidarity and unwavering support for Most Rev. Jose Elmer I. Mangalinao, D.D., Bishop of Bayombong, who continues to courageously exercise his pastoral ministry in defense of God’s creation and the communities entrusted to his care. We note with deep concern the filing of a civil case against Bishop Mangalinao and several environmental advocates arising from their public opposition to mining activities that they believe threaten critical watersheds, ecosystems, indigenous peoples, and local communities in Nueva Vizcaya and Quirino.” Bahagi ng pahayag ng CMSP-JPICC.

Bagama’t iginagalang ng komisyon ang kasarinlan ng hudikatura at ang legal na proseso, iginiit nitong hindi maaaring manahimik ang Simbahan sa harap ng mga hakbang na maaaring makapigil sa lehitimong adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan at pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping may kinalaman sa kabutihang panlahat.

Binigyang-diin din ng CMSP-JPICC na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi hadlang sa kaunlaran kundi mahalagang sangkap ng tunay at pangmatagalang pag-unlad.

” The concerns raised by Bishop Mangalinao are not rooted in political interests nor personal gain. They arise from his pastoral responsibility as shepherd of the Diocese of Bayombong and from the Church’s enduring commitment to protect human dignity, safeguard creation, and stand beside those whose lives and livelihoods depend upon healthy forests, rivers, watersheds, and ancestral lands.” Dagdag pa ng CMSP-JPICC.

Nanawagan din ang grupo sa pambansang pamahalaan, mga mambabatas, Department of Environment and Natural Resources, National Commission on Indigenous Peoples, at iba pang opisyal ng pamahalaan na pairalin ang matapang na pamumuno sa pangangalaga sa likas-yaman at kapakanan ng mga komunidad.

Hinimok din nito ang mga lider ng pamahalaan na pakinggan ang tinig ng mga lokal na pamayanan, mga katutubo, at mga eksperto sa kalikasan upang matiyak na ang pag-unlad ay nakabatay sa katarungan, pananagutan, at paggalang sa tao at kalikasan.

“We urge our government leaders to listen attentively to the voices of local communities, indigenous peoples, environmental experts, and all those who seek the responsible stewardship of our natural resources. The pursuit of development must always be guided by justice, transparency, accountability, and respect for both people and planet.” Ayon pa sa CMSP-JPICC.

Kasabay nito, muli ring binigyang-diin ng grupo ang paalala ni Pope Francis na ‘Everything is connected,’ bilang paanyaya sa lahat na pakinggan ang sigaw ng daigdig at ng mga mahihirap at itaguyod ang kabutihang panlahat.
Samantala tiniyak naman ng CMSP-JPICC ang patuloy na pakikiisa kay Bishop Mangalinao at sa lahat ng mga komunidad na mapayapang ipinagtatanggol ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,456 total views

 17,456 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,538 total views

 50,538 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,889 total views

 78,889 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,619 total views

 146,619 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,406 total views

 168,406 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top