Tagumpay sa community worker ang pagkaloob ng estolang gawa sa retaso kay Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 233 total views

Inabot ng siyam na taon bago tuluyang maibigay ng isang urban poor community worker ang estola o stole na kanyang ginawa para kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa harap ng mahigit sa 6-libong delegado ng 4th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4), kinilala ni Cardinal Tagle si Cynthia Cabrera, ang “Rugs to Riches Community Enterprise Manager” na siyang lumikha ng estola mula sa retaso.

Ayon kay Cabrera, taong 2009 noong matapos niyang gawin ang nasabing estola subalit hindi niya alam kung paano ito maipapabot sa Cardinal kaya’t lubos ang kanyang kagalakan nang personal itong tanggapin ng Kanyang Kabunyian sa huling araw ng PCNE4.

“Ang challenge na hinarap ko ay kung papaano makarating kay Cardinal ‘yung estola na ginawa ko para sa kanya. Noong una po, parang nawalan ako ng pag-asa dahil hindi ko alam kung paano makarating. Pero kanina ‘nung iabot ko sa kaniya para pong nasa langit ako. Sabi ko, ito na ‘yung biggest achievement sa buhay ko,” kuwento ni Cabrera.

Inihayag pa ni Cabrera na si Cardinal Tagle mismo ang humamon sa kanya na gawin ang estola mula sa recycled materials, ang parehong Cardinal na nagturo sa kanya kung paano magtiwala sa sarili.

“Pagtitiwala sa sarili, ‘yun ang unang una kong natutunan sa kanya ‘nung mga narinig ko ang mga mensahe niya during nagma-mass at saka ‘yung mga aral na ibinibigay niya. Magaling po siyang tao. Magaling po siyang magbigay ng homilya,” pagbabahagi ni Cabrera.

Una nang inihayag ni Cardinal Tagle na ang retaso ay kawangis ng tinapay na pinagpira-piraso at ipinagkaloob ni Hesus sa kanyang mga alagad bilang simbolo ng pagpahintulot ng pananahan ni Hesus sa ating mga buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,957 total views

 8,957 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,601 total views

 23,601 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,903 total views

 37,903 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,673 total views

 54,673 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,148 total views

 101,148 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 112,314 total views

 112,314 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top