258 total views
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mamamayang Filipino kaugnay ng posibleng paglindol din ng malakas sa Pilipinas matapos ang mga malalakas na pagyanig sa Japan at sa Ecuador.
Ayon kay PHIVOLCS director Renato Solidum, walang kinalaman sa mga fault sa Pilipinas ang pagyanig sa 2 bansa kayat wala itong “domino effect” sa Pilipinas.
“May sariling pagkilos sa atin na dapat paghandaan, ang salitang pag-aalala kung tama ba ang salitang ito, ang takot umiiral sa mga taong hindi handa, ang nangyari sa ibat-ibang bansa wala pong kinalaman ‘yan sa Pilipinas. Hindi konektado ang mga earthquake at mga fault na kumikilos dun dahil mayroon tayong mga sariling fault na kumikilos, need lang ng impormasyon sa mga fault na kikilos duto na daat angkop sa ating paghahanda.” Pahayag ni Solidum sa panayam ng Radyo Veritas.
Gayunman, pinayuhan ng Philvolcs director ang lahat na maging handa pa rin lalo na at hindi naman alam kung kailan talaga magaganap ang paglindol malakas man ito o hindi.
Ayon kay Solidum, kaakibat ng paghahanda, kinakailangan tiyakin na matibay ang pagkakagawa ng mga bahay at mga establisyimento.
Kaugnay nito, umabot na sa 246 ang nasawi sa malakas na 7.8 magnitude na tumama sa Ecuador noong Sabado.
Ayon sa mga awtoridad, tataas pa ang death toll dahil marami pa rin ang nawawala at na trap sa mga gumuhong gusali.
Sa ngayon nasa 10,000 rescuers at 4,600 na mga pulis ang nagtutulong para maghanap ng survivors.