Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tamang asal ng mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Mga Kapanalig, nakasaad sa ating batas, partikular sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees, na ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay dapat maging tapat sa mga tao sa lahat ng oras. Dapat silang kumilos nang makatarungan at walang pinapaboran. Dapat nilang igalang sa lahat ng pagkakataon ang karapatan ng iba. Higit sa lahat, dapat silang umiwas sa paggawa ng mga iligal na gawain.

Ngunit paano natin aasahan ang mga lingkod-bayang pagsilbihan at paglingkuran ang taumbayan kung mismong mga kasama nila sa opisina ay hindi nila magawang igalang?

Noong nakaraang linggo, pinatawan ng Office of the Ombudsman ng preventive suspension sa susunod na anim na buwan nang walang bayad si National Irrigation Administration (o NIA) Chief Benny Antiporda. Ito ay matapos maghain ng mga administrative complaints ang ilang empleyado ng ahensya. Ang limang pahinang kautusan na inilabas ng Ombudsman na naglalagay kay Antiporda sa ilalim ng preventive suspension ay upang hindi na niya magawa pang impluwensyahan ang kanyang mga tauhan at pati na rin ang gumugulong pang imbestigasyon. Inilabas ang suspension order matapos ang ginawang pag-iimbestiga sa nasabing reklamo ng mga opisyal at empleyado ng NIA sa kasong grave misconduct, harassment, oppression, at ignorance of the law.

Kabilang sa mga alegasyon laban kay NIA Chief Antiporda ay pagbabanta sa mga empleyado ng hindi pag-renew ng kanilang appointment, paglilipat sa mga empleyado nang walang basehan, katiwalian, pangungutya, at pamamahiya sa mga taga-NIA. Bagamat mariing itinanggi ni Antiporda ang mga akusasyon laban sa kanya, nanindigan ang Ombudsman sa pagkumpirmang malakas ang ebidensya laban sa pinuno ng NIA matapos ang masinsing pagsusuri sa mga ebidensya.

Makikita sa pangyayaring ito ang kahalagahan ng mga institusyon o tanggapang titiyak sa tamang asal at pagpapanagot sa mga lingkod-bayan. Sa mga pagkakataong inaabuso ng mga opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihang mayroon sila, ang Ombudsman ang “magmamatyag sa mga tagapagmatyag.” Itinatag ang Ombudsman upang bantayan ang mga nasa ating gobyerno. Upang hindi mabahiran ng pulitika at magawa nang maayos ng Ombudsman ang mandato nito, ginawa itong constitutional office; ibig sabihin, independent o hiwalay ang tanggapan nito mula sa tatlong sangay ng gobyerno. Kaya’t mahalagang manatili ang pagiging independent ng mga constitutional offices upang masigurong nababantayan ang anumang paglabag ng mga nasa gobyerno.

Gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Populorum Progressio, ang kawalang-katarungan ay dapat hamunin at mapagtagumpayan dahil nangangailangan ang patuloy na pag-unlad ng matapang at malaking hakbang na gagawa ng malalim na pagbabago. Ang gawaing lihis ay dapat itinatama nang walang antala. Dapat na mag-ambag dito ang mga taong may edukasyon at katungkulan. Dapat nilang gamitin nang tama ang kanilang awtoridad. Magpapatuloy ang katiwalian sa pamahalaan kung walang institusyong sisita at magtutuwid sa mga nasa likod nito.

Sabi nga ni Hesus sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Mahalagang napapanagot ang mga taong nasa ating pamahalaan sapagkat itinuturing silang tagapaglingkod ng bayan. Dapat silang papanagutin sa kanilang pagkukulang sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang tagapamahala at sa pagmamalabis nilang humahantong sa pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan. Sa pagtanggap nila ng malaking responsibilidad na mamuno ng isang ahensya ng pamahalaan, kaakibat nito ang pagsusumikap na gawin kung ano ang tama, matuwid, at makabubuti para sa lahat.

Mga Kapanalig, magkakaroon lamang tayo ng makatarungang lipunan kung marangal at matino ang namumuno sa mga ahensya ng ating pamahalaan. Kung taglay ng mga kawani ng pamahalaan ang mga katangiang ito, maiiwasan ang mga pang-aabuso ng kapangyarihan sa loob mismo ng mga ahensyang ipinagkatiwala sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,601 total views

 82,601 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 90,376 total views

 90,376 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,556 total views

 98,556 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,090 total views

 114,090 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,033 total views

 118,033 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 82,602 total views

 82,602 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 90,377 total views

 90,377 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 98,557 total views

 98,557 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 114,091 total views

 114,091 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 118,034 total views

 118,034 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 60,478 total views

 60,478 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 74,649 total views

 74,649 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 78,438 total views

 78,438 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 85,327 total views

 85,327 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 89,743 total views

 89,743 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 99,742 total views

 99,742 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 106,679 total views

 106,679 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 115,919 total views

 115,919 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 149,367 total views

 149,367 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 100,238 total views

 100,238 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top