Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,000 total views

Ang Mabuting Balita, 4 Nobyembre 2023 – Lucas 14: 1, 7-11
TAMANG PANANAW
Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos.
Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga inanyayahan ay ang mga upuang nakalaan sa mga piling panauhin. Kaya’t sinabi niya ang talinghagang ito: “Kapag inanyayahan ka ninuman sa isang kasalan, huwag mong pipiliin ang tanging upuan. Baka may inanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa inyong dalawa at sasabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay ninyo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan. Ang mabuti, kapag naanyayahan ka, doon ka maupo sa pinakaabang upuan, sapagkat paglapit ng nag-anyaya sa iyo ay kanyang sasabihin, ‘Kaibigan, dini ka sa kabisera.’ Sa gayun, nabigyan ka ng malaking karangalan sa harapan ng mga panauhin. Sapagkat ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”
————
Kapag masyadong mataas ang tingin natin sa ating sarili, mabibigo tayo paminsan-minsan. Ito ay sapagkat hindi natin mapipilit ang tao na makita tayo o tayahin tayo kung paano natin gusto. Bawat tao ay may kani-kanyang pamantayan sa pag-iistima ng tao. Ang ugaling ito ay pinagmumulan ng paghambing natin ng ating sarili sa iba, lalo na ang kagustuhan na maging mas mababa sila kaysa satin. At, ang ugaling ito na nais nating maging mas mababa ang iba kaysa satin kadalasan ay sumasalamin lamang ng sarili nating kahinaan. Kung tunay tayong mas nakakahigit sa iba, wala sanang pangangailangan na bigyang-diin ito. Makikita na.
Marahil, kailangan natin laging alalahanin na tayong lahat ay pantay-pantay bilang mga tao, na may iba-ibang kakayahan mula sa Diyos. Ang halaga ng ating pagkatao ay higit pa sa mga bagay na ating natupad o narating sa buhay. Ang halaga ng ating pagkatao ay kung paano tayo sa harapan ng Diyos na naghuhukom ayon sa nasa loob ng ating mga puso. Kung tayo ay mulat dito, hindi tayo mababahala sa panghuhusga ng ibang tao. Hindi natin kailangang patunayan kahit kanino kung gaano tayo kagaling sapagkat ang lahat ng ating kakayanan ay galing sa Diyos. Ito marahil ang dahilan ng unang utos: PAGSAMBA SA DIYOS LAMANG. Ang pagsunod sa utos na ito ay laging maglalagay sa atin sa TAMANG PANANAW sa buhay. Ang KADAKILAAN ay para lamang sa Diyos at walang iba!
Ang lahat ng papuri at pagsamba ay sa iyo lamang, O Panginoon aming Diyos!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,253 total views

 46,253 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,248 total views

 78,248 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 123,040 total views

 123,040 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,219 total views

 146,219 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,618 total views

 161,618 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

OPPOSITE

 982 total views

 982 total views Gospel Reading for November 6, 2025 – Luke 15: 1-10 OPPOSITE The tax collectors and sinners were all drawing near to listen to

Read More »

GOD ALONE

 1,932 total views

 1,932 total views Gospel Reading for November 05, 2025 – Luke 14: 25-33 GOD ALONE Great crowds were traveling with Jesus, and he turned and addressed

Read More »

NOT AUTOMATIC

 2,363 total views

 2,363 total views Gospel Reading for November 04, 2025 – Luke 14: 15-24 NOT AUTOMATIC One of those at table with Jesus said to him, “Blessed

Read More »

A ONE-WAY GESTURE

 2,378 total views

 2,378 total views Gospel Reading for November 03, 2025 – Luke 14: 12-14 A ONE-WAY GESTURE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

ASSURED

 2,494 total views

 2,494 total views Gospel Reading for November 02, 2025 – John 14: 1-6 ASSURED The Commemoration of All the Faithful Departed (All Souls) “Do not let

Read More »

BE COUNTED, Solemnity of All Saints

 2,585 total views

 2,585 total views Gospel Reading for 01 November 2025 – Matthew 5: 1-12a BE COUNTED, Solemnity of All Saints When Jesus saw the crowds, he went

Read More »

OF PRIMARY IMPORTANCE

 2,275 total views

 2,275 total views Gospel Reading for October 31, 2025 – Luke 14: 1-6 OF PRIMARY IMPORTANCE On a sabbath Jesus went to dine at the home

Read More »

STRONG AND COURAGEOUS

 1,891 total views

 1,891 total views Gospel Reading for October 30, 2025 – Luke 13: 31-35 STRONG AND COURAGEOUS Some Pharisees came to Jesus and said, “Go away, leave

Read More »

SACRIFICE

 2,000 total views

 2,000 total views Gospel Reading for October 29, 2025 – Luke 13: 22-30 SACRIFICE Jesus passed through towns and villages, teaching as he went and making

Read More »

HE DOESN’T SLEEP

 7,068 total views

 7,068 total views Gospel Reading for October 28, 2025 – Luke 6: 12-16 HE DOESN’T SLEEP Jesus went up to the mountain to pray, and he

Read More »
Scroll to Top