Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taumbayan, walang napala sa inquiry ng Kongreso sa droga

SHARE THE TRUTH

 6,453 total views

Ikinadismaya ng pari ang patuloy na imbestigasyon ng Kongreso sa talamak na operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, hindi makakamtan ng taumbayan ang malinaw na paglalahad ng katotohanan sa isinasagawang House at Senate inquiry sa malalang problema sa ilegal na droga sa bansa.

“Kung ang nais ng taumbayan ay ang malinaw na paglalahad ng katotohanan sa lumalalang problema ng droga sa bansa, hindi nila ito makakamtan sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso,”pahayag ng pari.

Inihayag ni Father Secillano na lalong pinagulo ng Senado at Kamara ang sitwasyon tulad ng pagkakaiba ng salaysay ni Ronnie Dayan dating driver at sinasabing bagman ni Senator Leila de Lima at Kerwin Espinosa na sinasabing Eastern Visayas druglord.

“Lalo pang gumulo ang sitwasyon dahil sa magkakaiba at hindi nagtutugma ang salaysay ng mga testigo,” paglilinaw ng pari sa Radio Veritas.

Sinabi ni Father Secillano na ang tunay na damdamin ng taumbayan ay kahalintulad ng nararamdaman ni PNP Chief General Bato de la Rosa na hindi na niya alam kung sino sa hanay ng pulis ang kanyang pagkakatiwalaan dahil maraming PNP personnel ang sangkot sa ilegal na droga.

“Ang damdamin ng nakararami ay naipahayag na ni Gen. Bato de la Rosa na umamin mismong nahihirapan at naguguluhan na kung sino ba ang dapat niyang paniwalaan sa kanyang mga tauhan dahil karamihan sa mga ito ay isinasangkot sa kalakaran ng droga,”giit pa ng pari.

Iginiit ng pari na hinihintay na lamang ng taumbayan ang mga babalangkasing batas ng Kongreso upang matugunan ang malubhang problema ng illegal na droga sa bansa.

“Hintayin na lang natin ang mga batas na maaari mabalangkas ng mga senador base sa mga imbestigasyon na kanilang isinagawa.”

Samnatala Sa inisyal na tala ng PNP- Crime Laboratory, umaabot na sa 174 na mga pulis ang nagpositibo sa isinagawang ‘Internal Cleansing’ na mandatory drug testing sa 159,000 – PNP Personnel na karamihan ay lumitaw na gumagamit ng shabu, marijuana at maging ecstasy.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,191 total views

 47,191 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,279 total views

 63,279 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,672 total views

 100,672 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,623 total views

 111,623 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 25,938 total views

 25,938 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 3,512 total views

 3,512 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 41,935 total views

 41,935 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 25,858 total views

 25,858 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 25,838 total views

 25,838 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 25,838 total views

 25,838 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
Scroll to Top