Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Total life, isulong. Lahat ng uri ng kusang pagpatay, kondenahin.

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Nanawagan ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isang conference tungkol sa Sacred Heart at interview ng Radyo Veritas sa sambayanang Filipino na maging consistent sa pagtatanggol sa sagradong buhay ng tao.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang buhay ng tao ay galing sa Diyos kaya mahalaga at sagrado.

Sinabi ng Kardinal na ang lahat ng klase ng tahasan, kusa at pinagplanuhang paglapastangan at pagpatay sa buhay ng tao ay dapat kondenahin.

Nanawagan din ang Cardinal na mabahala tayo sa lahat ng uri ng ganitong pagkitil sa buhay at hindi sa iilan lamang.

“Buhay ng kahit sino hindi lamang buhay na gusto nating protektahan. Basta taong may buhay kahit sino pa siya, ang buhay na yun ay sagrado. Alam ko na ngayon na ang malaking usapin ay ang nagiging mga pagpatay, sabi pati raw sa mga hindi guilty sa mga inosente, pero kahit nga guilty man o hindi guilty, ang buhay ay dapat alagaan at igalang. At kung guilty bigyan ng bagong buhay. Pagkakataong makabangon mula sa lumang buhay,” mensahe ni Cardinal Tagle

Kumbinsido ang Kardinal na marami ang nababahala sa mga nangyayaring extra-judicial killing subalit dapat ding mabahala ang lahat sa mga nangyayaring abortion o pagpatay sa mga sanggol na walang kalaban-laban.

Tinukoy din Cardinal Tagle ang unfair labor practices, ang human trafficiking na isa ring uri ng pagpatay sa dangal ng tao maging ang pag-aksaya ng tao sa pagkain na kailangan pang maging basura bago ito makain ng mga mahihirap.

Iginiit ng Kardinal na bilang sambayanan dapat nating ipadiwang ang kagandahan ng buhay. Milagro nag Dios ang buhay. Maganda ang buhay. Ito ang mabuting balita. Kaya hindi marapat ang lahat ng uri ng kusa at tahasang pagpatay at paglapastangan sa buhay ng tao na sagrado at banal.

“Ang Diyos ay Diyos ng buhay kaya dapat alagaan ang buhay. Pero marami worried sa extra-judicial killings. At dapat lang. Sana naman worried din tayo sa abortion, bakit kaunti ang nagsasalita against abortion? Pagpatay din yan. Unfair labor practices isang uri rin yan ng pagpatay ng dangal ng manggagawa. Yung tapon tayo ng tapon ng pagkain, kailangan munang nasa basura bago pupulutin ng iba at ipapakain sa pamilya nila, pagpatay din yan sa mga batang walang makain,” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas

Hiniling ng Kardinal sa sambayang Filipino na maging consistent sa pagsusulong ng whole o integral life at hindi maging selective.

“Be consistent to promote whole or integral life, let us not be selective. Bantayan natin ang abortion ang mga batang hindi pa naisisilang ay walang kalaban- laban. Ang pagtitinda ng bawal na gamot, ang pagtulak sa mga kabataan sa bisyo. Yan ay isang uri din ng pagpatay ng kanilang pangarap, kaisipan, pagpatay ng kanilang magagandang pakikisama sa pamilya,” paglilinaw ni Cardinal Tagle

Ipinaalala ng Kardinal sa lahat na sa oras na madiskubre nating muli ang kahalagahan ng buhay ng tao maging sinuman ito ay tungkulin nating ipagtanggol ang dangal ng buhay ng bawat nilalang.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,903 total views

 72,903 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,678 total views

 80,678 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,858 total views

 88,858 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,456 total views

 104,456 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,399 total views

 108,399 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 34,255 total views

 34,255 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 34,265 total views

 34,265 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 34,289 total views

 34,289 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Pagyamanin ang kultura ng buhay sa Pilipinas.

 34,403 total views

 34,403 total views Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Edukasyon, susi sa pag-ahon sa kahirapan

 34,847 total views

 34,847 total views Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan. Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Mamatay para sa sambayanan tulad ni Kristo

 34,302 total views

 34,302 total views Ito ang homiliya ni Catholic Bishops Conference of the Philippine President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa cannonical installation ni Archbishop Gilbert

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

Unahin ang kaligtasan ng mga pasahero.

 34,291 total views

 34,291 total views Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija noong Martes. Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top