TRAIN law, anti-poor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,443 total views

Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program.

Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na pinakamabigat na kalbaryo sa mga mahihirap ang nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte na Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Ayon kay Bishop Pabillo, bagamat hindi na bubuwisan pa ang mga manggagawa na kumikita ng 250-libong piso pababa kada taon ay labis namang mapeperwisyo ang mga dukha at yaong mga nasa laylayan dahil sa pagpataas ng mga pangunahing produkto na kanilang kinikonsumo.

“Ang tax reform program maraming sumisigaw diyan, iyan ay against the poor kasi tataasan nila ang mga VAT na taxes para sa lahat. Kahit sinabi nila na tatanggalin ang income tax sa mga bracket ng minumum wage, ilan lang ang madadamay doon, pero kapag nataasan ang gastos ng lahat, lahat ay madadamay, kapag ita-tax natin sa gasolina, tatamaan ang lahat d’yan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Dahil sa pingangambahang epekto sa mga maralita ng reporma sa buwis, nilinaw ng palasyo na pagkakalooban ng pamahalaan ng 200-piso kada buwan simula Enero sa susunod taon ang may nasa 10-milyong mahihirap na pamilyang Filipino habang 300 at 400-piso naman ang matatanggap na cash transfer ng mga ito sa 2019 at 2020.
Samantala, sa halip na taasan ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng tao, binigyang-diin ni Bishop Pabillo na mas nararapat na patungan ng buwis ang mga produktong nakakapaghatid ng panganib at masamang epekto sa kalusugan ng mga mamamayan tulad ng alak at sigarilyo.

“Sana nga mas tinax nila ang sigarilyo at alak para hindi na makakabili ang tao pero sa ganito na ang tinaasan ay mga common commodities ang madadamay talaga dito ay ang mahihirap,” dagdag pa ng Obispo.

Sisimulan ang pagpapatupad ang TRAIN Law sa January 1, 2018.

Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika, mahalagang isaalang-alang ang kabutihang pangkalahatan sa anumang reporma na gagawin ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 179,813 total views

 179,813 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 201,923 total views

 201,923 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 273,829 total views

 273,829 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 263,422 total views

 263,422 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 211,261 total views

 211,261 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top