Archbishop Jumoad, nagpaabot ng pakikiisa sa mga biktima ng bagyong Urdoja

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Nagpaabot ng pakikiisa ang Archdiocese of Ozamiz sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Urduja na nanalasa sa Eastern Visayas at mga karatig lalawigan.

Ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad handa ang Arkidiyosesis ng Ozamiz upang magpaabot ng tulong sa mga biktima ng bagyo partikular sa Diocese of Naval kung saan naganap ang landslide sa isang bayan ng Biliran.

Tiniyak rin ni Archbishop Jumoad ang pag-aalay ng panalangin para sa katatagan ng mga biktima ng bagyong Urduja at kalakasan ng loob hindi lamang ng mga nawalan ng tahanan kundi maging sa mga nawalan ng mahal sa buhay.

“Alam ko po na may mga tao na nagsa-suffer ngayon kasi sa Bagyo ng Urduja, we feel one with you in your pains and difficulties and in the midst of pains I know the Lord also is suffering and for that naaawa kami sa inyo at handang handa po kami para magbigay tulong sa mga biktima ng Typhoon Urduja so we pray for you, we assure you of our prayers…” pahayag ni Archbishop Jumoad.

Bukod dito, nagpaabot din ng pakikiramay ang Arsobispo sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa naganap na landslide dulot ng pag-ulang dala ng bagyo.

“we know that you’re in the midst of sorrows particularly those families who lost a brother or a son or a daughter or a sister we pray for you and we know how painful it is when someone lost a son or a daughter kami po ay nakikiramay sa inyo at sana po ang Panginoon ay magbigay lunas sa mga pangyayaring ito, I pray for you God Bless…”mensahe ni Archbishop Jumoad.

Batay sa tala ng PAG-ASA, ang bagyong Urduja na ang ika-21 bagyo na nanalasa sa bansa ngayong taon kung saan umaabot na sa higit 40 ang namatay at nasa 40 rin ang mga nawawalang indibidwal.

Kaugnay nito nagpaabot rin ng suporta si Archbishop Martin Jumoad sa bagong Obispo ng Diocese of Naval na si Bishop Rex Ramirez na humaharap ngayon sa mabigat na sitwasyon ng paggabay sa kanyang mga nasasakupan na biktima ng bagyong Urduja.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,906 total reads

 51,906 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,476 total reads

 131,476 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,923 total reads

 164,923 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,221 total reads

 200,221 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,681 total reads

 424,681 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top