Paano lalabanan ang konsumerismo

SHARE THE TRUTH

 637 total views

Mga Kapanalig, tuwing dumarating ang Pasko, hindi magkandaugaga ang marami sa atin sa pamimili ng mga panregalo, mga dekorasyon sa bahay, at mga pagkaing ihahanda o iaambag sa Christmas party. Dahil dito, tayo na rin ang nagdudulot ng malaking abala at pagpapahirap sa ating mga sarili sa pagbibiyahe nang matagal dahil sa trapik; sa paghahanap ng mapaparadahan sa mga kalye o parking lot na puno ng sasakyan; sa paghihintay sa mahabang pila para makasakay ng jeep o taxi, o para magbayad para sa mga naipamili sa mga mall at supermarket. Tila hindi maiwasan ng mga taong bumili ng kung anu-ano, basta’t mayroong pambili. Para naman sa mga walang tiyagang bumiyahe at pumila, nariyan naman ang pamimili sa pamamagitan ng internet—mas maginhawa, walang pila, maraming mapagpipilian, at mura pa. Gayunpaman, ang pagbili ng mga bagay-bagay para sa sarili at sa iba ay naging pangunahing palatandaan ng ating pagdiriwang ng kapanahunang ito.

Bakit kaya naniniwala tayong mas naibabahagi at nararamdaman ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga regalong materyal? Siguro natural namang nagbibigay-saya sa sinuman ang makatanggap ng regalo. Subalit kailan nagiging mapanirà ang umasa sa mga materyal na bagay upang magbigay kasiyahan, hindi lamang tuwing Pasko, kundi bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay?

Mga Kapanalig, ayon sa ating Simbahan, ang konsumerismo ay nagpapalaganap ng isang uri ng pananaw sa buhay na nakatuon sa kung ano ang mayroon tayo kaysa sa kung ano o sino tayo; “having rather than being,” ‘ika nga sa Ingles. Ang pagtuturing sa mga tao batay sa kung ano ang mayroon sila sa buhay kaysa sa kung ano ang kanilang pagkatao ay tila naging bahagi na ng ating kultura at pamumuhay. Sinu-sino nga ba ang tinitingala o nirerespeto sa ating lipunan? Hindi ba’t ang mga maykaya o mayayaman, ang mga nasa mataas na posisyon at may kapangyarihan? Mataas pa nga rin ang tingin ng marami sa atin kahit nga sa mga taong gumawa ng katiwalian o krimen, sapagka’t sila at may kaya sa buhay, may posisyon, may edukasyon—‘ika nga, may sinasabi sa buhay o may sinasabi sa lipunan.
Tumagós na ang konsumerismo sa maraming aspeto ng ating buhay, pati na sa ating paghihintay sa pagdating ng Pasko, sa ating paggunita at pagbubunyi sa pagkakatawang-tao ng ating Panginoon. Bagamat ang pagdating Niya sa mundo ay naganap sa pinakaabá at pinakasimpleng paraan—sa isang sabsaban na pinapaligiran ng mga hayop—kabaligtaran ang ginagawa nating paraan ng pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan. Pinapaligiran natin ang ating sarili ng kasaganahan, ng maraming ilaw at palamuti, ng maraming pagkain, ng kaliwa’t kanang pagpapalitan ng regalo.

Upang labanan ang konsumerismo, itinuturo sa atin ng Simbahang lumikha tayo ng uri ng pamumuhay o lifestyle kung saan ang paghahanap sa katotohanan, kabutihan, at pakikipagkaisa sa kapwa para sa sama-samang pag-unlad ang siyang nagtatakda kung ano mga bagay na ating bibilhin at tatangkilikin. Halimbawa, kailangan ba natin talagang bumili? At kung bibili ng isang bagay, makabubuti ba ito hindi lang sa taong pagbibigyan, kundi sa kapakanan ng iba, pati ng kapaligiran? Inaaamin ng ating Simbahang napakalaki ng hamon sa pagbabago ng kultura at nakagawian ng mga tao, subalit saan nga ba magsisimula ang pagbabago kundi sa maliliit na pagbabago ng ugali ng bawat isa sa atin.

Mga Kapanalig, kaya ba nating labanan—o bawasan man lang—ang konsumerismo sa ating pag-aabang sa pagdating ng ating Panginoon? Kaya ba nating gawing simple ang mga pagdiriwang, na gawing makahulugan ang pagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat? Kaya ba nating bawasan ang konsumerismo, at sa halip ay dagdagan ang respeto sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap, sa ating pang-araw-araw na buhay? Pagnilayan po natin ito, mga Kapanalig.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 40,936 total views

 40,936 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 46,354 total views

 46,354 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 53,061 total views

 53,061 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 67,855 total views

 67,855 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 74,011 total views

 74,011 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 40,937 total views

 40,937 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 46,355 total views

 46,355 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 53,062 total views

 53,062 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 67,856 total views

 67,856 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 74,012 total views

 74,012 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,049 total views

 41,049 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,633 total views

 51,633 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,850 total views

 59,850 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,083 total views

 44,083 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,059 total views

 50,059 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,152 total views

 53,152 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,857 total views

 42,857 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,745 total views

 43,745 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,048 total views

 59,048 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,457 total views

 71,457 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top