207 total views
Iginiit ng isang Historian priest mula sa Order of Augustinian Recollects na patuloy na dumarami ang bilang ng mga Katolikong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Ayon kay Rev. Fr. Emilio Quilatan, ito ay dahil ramdam ng mga Filipino ang himala at ang paghihirap ng Poon sa pagpapasan niya ng Krus.
Dagdag ng pari, ramdam din ng mga deboto ng Nazareno na pagkatapos ng hirap ay may pag-asang naghihintay na nangangahulugang anumang pasanin sa buhay makakayanan ng lahat kung nasa atin ang Panginoon.
“Because it touches the soul of the Filipinos, nakikita nilang naghihirap ang Panginoon na kung nakaya niyang pasanin ang krus kaya din nating mga Filipino, and it gives us hope dahil anumang pasanin sa buhay makakayanan natin kung kasama natin ang Panginoon, that is the simple message of Jesus Nazareno,” pahayag ni Fr. Quilatan sa panayam ng Radio Veritas.
Kaugnay nito, iginiit ni Fr. Quilatan na hindi kailanman sinasamba ng mga deboto ang imahen ng Poong Jesus Nazareno.
Ayon sa pari, ang kinatawan ng imahen ang ating nirerespeto at sinasamba at ito ay walang iba kundi si Jesus.
“We are crazy because we are crazy for God. We don’t worship images, we worship the person Jesus who is God representing the images, we venerate the person representing the images not the image itself, we worship God alone, the images are just the representations’ reminder,” ayon pa kay Fr. Quilatan.
Ngayong Traslacion 2017, sa pagtaya ng Philippine National Police, inaasahan na 14 na milyon hanggang 15 milyon ang nakikilahok sa dito upang humingi ng awa, gabay, pagpapala at pasasalamat sa mga biyayang natanggap.