Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,340 total views

Hindi ba’t kay hirap, kapanalig, na mawalan ng tubig sa ating mga tahanan? Kapag nangyayari ito, umaalingawngaw ang hiyaw ng marami para sa batayang pangangailangan na ito. Dito sa National Capital Region, minsan minsan na lamang nangyayari ito. Pero, kapanalig, sa maraming lugar sa ating bayan, pati na rin sa buong Asya, ang tubig ay laging kulang.

Sa Asya, kapanalig, tinatayang 1.5 bilyong katao sa mga rural areas, at mga 600 million naman sa urban areas ang nakakaranas ng kulang na suplay ng tubig at sanitasyon, ayon sa Asian Development Bank. Sa ating bansa naman, ayon sa World Health Organization (WHO), isa sa sampung tao ay walang access sa maayos na water sources.

Malaking suliranin ito, dahil ang tubig ay isa sa pangunahing panlaban natin sa anumang sakit. Kung nakalimutan na natin, kapanalig, diarrhea pa rin ang isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan sa bansa, lalo na sa mga bata. Ayon sa WHO, 139,000 tao ang namatay dahil sa diarrhea nuong 2016. Ito ay sakit na maaring maiwasan kung may sapat na suplay ng malinis na tubig ang kabahayan.



Ngayong may pandemya, ang problema sa tubig ay maaring magpapalala pa ng ating kasalukuyang nararanasan ngayon. Ang paghuhugas ng kamay ay isa sa mga pangunahing depensa natin sa pandemya. Kung walang tubig o kulang ito, paano na?

Maraming magagawa ang ating lipunan at pamahalaan upang masiguro na may tubig para sa lahat. Ang isa sa maaring maging pinaka-mabisa dito ay kung gagawing isa sa sentrong salik ng rural development ang suplay ng tubig at sanitasyon. Hindi magiging epektibo ang anumang rural poverty alleviation kung isasantabi ang kahalagahan ng water supply at sanitasyon.

Isa pang paraan upang matugunan ang kakulangan sa water supply at sanitasyon ay ang paghahanda ng mga imprastraktura para sa tubig at sanitasyon, lalo na ang mga uri na disaster resilient. Sanay ang bansa natin na gumawa ng mga kalye at tulay, pero madalang tayong gumawa ng mga imprastraktura para sa tubig at sanitasyon na makakayanan ang epekto ng mga sakuna.

Ilan lamang ito, kapanalig, sa maaring magawa ng ating lipunan at estado upang matiyak ang suplay ng tubig para sa lahat. Kailangan natin matugunan ang uhaw ng mamamayan para sa malinis na tubig. Sa nangyayari kasi sa ating bansa, ang uhaw para sa pera at kapangyarihan ang nauuna. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, ang ganitong uri ng uhaw ay “unlimited.” Nasasapawan nito ang pangangailangan ng lahat, at sinasantabi ang mga lehitimong pangangailangan ng mga mamamayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,671 total views

 73,671 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,666 total views

 105,666 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,458 total views

 150,458 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,405 total views

 173,405 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,803 total views

 188,803 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 866 total views

 866 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,919 total views

 11,919 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,673 total views

 73,673 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,668 total views

 105,668 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,460 total views

 150,460 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,407 total views

 173,407 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,805 total views

 188,805 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,887 total views

 135,887 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,311 total views

 146,311 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,950 total views

 156,950 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,489 total views

 93,489 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,779 total views

 91,779 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top