Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church

SHARE THE TRUTH

 591 total views

Muling nakiusap ang Archdiocese of Manila sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na huwag dumagsa sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa halip ay tangkilin ang mga handog na Novena Masses ng iba’t-ibang parokya para sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa buong bansa.

Ito ang apela ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa paggunita ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa ika-9 ng Enero.

Ayon sa Obispo, iaalay rin ng mga Simbahan ang mga misa para sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na maaring daluhan ng mga deboto upang hindi na kailanganin ng mga ito na sadyain pa ang Quiapo Church na mayroon lamang din limitadong bilang ng mananampalataya na maaring makapasok bilang pagsunod sa 30-porsyento ng kapasidad ng Simbahan na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Mayroong mga misa sa iba’t ibang Simbahan at dito malapit po yung Simbahan ng San Sebastian, malapit ang Simbahan ng Santa Cruz nandyan din po yung San Lorenzo Ruiz sa Binondo at iba pang mga Simbahan na nagsasagawa rin ng pagmimisa para sa Poong Hesus Nazareno. Ang paki-usap ko sana sa mga deboto huwag lang tayong magdagsaan sa Basilica ng Quiapo kasi maraming mga Simbahan ang nagmimisa rin para sa Poong Nazareno…” panawagan ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Inihayag ni Bishop Pabillo na ang pagmamahal kay Hesus ay naipapakita rin sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa at pagkawanggawa.

Sinabi ng Obispo na dapat mabatid ng mga deboto na bukod sa nakagawiang Traslacion na paraan ng pagpapahayag ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay maipapahayag rin ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagtiyak ng kanilang kaligtasan mula sa COVID-19.

Tinukoy din ni Bishop Pabillo ang pagsunod ng mga magtutungo sa Quiapo Church sa minimum health protocols na ipinatutupad bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus kabilang na ang pagsusuot ng facemask, face shield at pagtiyak ng physical distancing.

Inihayag rin ng Obispo na maituturing din na pagmamahal kay Hesus ang pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

“Ang pagmamahal natin kay Hesus ay naipapakita rin natin sa ating pagmamahal sa ating kapwa that we cause no harm sa kanila at yan po yung mga physical distancing, yung mga ating pagsusuot ng mga facemask. Pakiusap ko sa mga tao na magpapahayag ng kanilang debosyon sa Poong Hesus Nazareno ang pagmamahal natin sa Diyos ay napapakita sa pagmamahal natin sa ating kapwa at napapakita din sa pagmamahal natin sa ating kapaligiran sa kalikasan. Kaya po sana yung mga dala dala nating basura, yung mga bote, yung mga plastic huwag nating basta basta itapon so tanda din yan ng ating pagmamahal sa kalikasan na ginawa rin ng Diyos…” pakiusap ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Giit ng Obispo hindi dapat paghiwalayin ng mga deboto ang pagmamahal kay Hesus sa pagmamahal sa kapwa at sa pangangalaga sa kalikasan.

Ipinaalala ni Bishop Pabillo na dapat na maging dahilan ang pagdidebosyon ng pagkakasakit ng iba at pagkalat ng virus sa bansa.

Batay sa ipinatutupad ng I-A-T-F na 30-porsyento ng kapasidad ng Simbahan, tanging 400-deboto lamang kada misa ang papayagan sa loob ng Quiapo Church.

Sa kapistahan ng Poon, 15 Novena Masses ang inihanda ng Quiapo Church simula alas-kwatro y medya ng madaling araw hanggang alas-dyes kinse ng gabi.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 2,704 total views

 2,704 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 11,397 total views

 11,397 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 26,165 total views

 26,165 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 33,288 total views

 33,288 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 40,491 total views

 40,491 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 431 total views

 431 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 822 total views

 822 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 2,068 total views

 2,068 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 2,281 total views

 2,281 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 2,731 total views

 2,731 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 2,764 total views

 2,764 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 4,389 total views

 4,389 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 8,882 total views

 8,882 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 9,539 total views

 9,539 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 8,661 total views

 8,661 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

No one is above the law

 11,300 total views

 11,300 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na walang sinuman ang mas nakahihigit o nakatataas sa batas. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines kaugnay sa sitwasyon sa Davao City dulot ng patuloy na paghahanap ng mga pulis kay Kingdom

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga bayaning Pilipino, dapat ipagmalaki at bigyang pagkilala

 10,747 total views

 10,747 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naangkop lamang na patuloy na alalahanin at bigyang pagkilala ang pagsasakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga bayani ng bansa. Ito ang ibinahagi ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Consecrated Persons

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag kalimutan si Ninoy

 16,087 total views

 16,087 total views Hinimok ni 1987 Constitutional Framer Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga Pilipino na huwag kalimutan ang mga aral na dulot ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ito ang pahayag ng Obispo sa paggunita ng ika-41 anibersaryo ng pagkamatay ng dating mambabatas at national hero ng bansa. Ayon kay Bishop Bacani, mahalagang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Anti-political dynasty group, ilulunsad

 16,270 total views

 16,270 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na naaangkop lamang na makibahagi ang Simbahan sa mahahalagang usaping panlipunan na makakaapekto sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ang bahagi ng pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace kaugnay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Cubao, nakiisa sa Quezon City Day

 16,019 total views

 16,019 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Diyosesis ng Cubao sa paggunita ng Quezon City sa ika-146 na taong kapanganakan ng tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco,naangkop na patuloy na alalahanin at kilalanin ang mahalaga at natatanging kontribusyon ni dating Pangulong Quezon sa pagpapatatag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top