Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 276 total views

Mga Kapanalig, kalunos-lunos ang sinapit ng ating mga kababayan sa Batangas at karatig bayan matapos sumabog noong nakaraang linggo ang Bulkang Taal. Tiyak na malungkot ang pagpasok ng bagong taon sa mga pamilyang kinailangang lumikas at iwan ang kanilang tahanan at kabuhayan. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (o NDRRMC) ng mahigit 88,000 pamilya o katumbas ng mahigit 346,000 kataong naapektuhan sa Batangas, Cavite, Laguna, at Quezon, at sa bilang na ito, hindi bababa sa 37,000 pamilya o humigit-kumulang 137,000 katao ang namamalagi sa 488 na evacuation centers.

Labis na naapektuhan ang ating mga kababayang magsasaka at mangingisda roon dahil hindi lamang tirahan ang nawala sa kanila kundi pati ang pinagkukunan nila ng ikabubuhay. Tinatayang tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsalang dala ng pagputok ng bulkan sa agrikultura. Halos 16,000 ektaryang lupang sakahan at mga plantasyon ang nasira at 2,000 hayop ang nawala. Sa pagtataya pa ng pamahalaan, aabot sa mahigit isang bilyong piso ang nalugi sa sektor naman ng pangisdaan.

Maraming tulong ang ipinaaabot ng mga indibidwal, iba’t ibang pribadong grupo, at mga organisasyon. Sa panig ng pamahalaan, nariyan ang pamamahagi ng pagkain ng DSWD at NFA para sa mga pamilyang nasa evacuation centers. Para naman sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda, may tulong-pangkabuhayang ibinigay ang Department of Agriculture (o DA) na may kabuuang halagang 160 milyong piso. Isa rin sa mga naging tugon ng DA ang Survival and Recovery Loan Program nito kung saan ang bawat magsasaka ay pauutangin ng ₱25,000 nang walang interes at babayaran sa loob ng tatlong taon.

Ngunit ang tanong: utang nga ba ang kailangan ng mga magsasakang nawalan na ng tahanan at kabuhayan sa isang sakunang hindi naman nila ginustong mangyari? Tiyak na hindi magiging madali ang pag-ahon ng mga kababayan nating naapektuhan ng pagsabog ng bulkan at maraming taon ang bubunuin nila upang makatindig muli sa sarili nilang mga paa, ‘ika nga. Kung utang ang isa sa mga pangunahing tugon ng pamahalaan sa mga pobreng magsasaka, hindi kaya makadagdag pa ito sa marami na nilang bayarin. Puna nga ng isang kongresista, “Nawala na nga sa kanila ang lahat, pagbabayarin pa.”

Hindi raw ba sapat ang buwis na nakakalap ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayang magsasaka sa mga lugar na apektado nitong sakuna? Ganito rin ang punto ng grupong Amihan, isang pederasyon ng mga kababaihang magsasaka: “Kagyat na tulong ang kailangan ng mga magsasaka’t mangingisda, hindi pautang.”

Kung maihahantulad natin ang mga kababayan nating naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal sa limanlibong taong sumunod noon kay Hesus, isang kuwentong matutunghayan natin sa Mateo 14:13-21, makikita nating maging ang Panginoon ay kinikilala ang pangangailangang materyal ng mga taong kanyang kinahabagan. “Kinuha Niya ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala Siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, hinati-hati Niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod Niya, at ibinigay naman nila ito sa mga tao. Kumain silang lahat at nabusog.” Mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tahanang masisilungan, gamit-pangkalusugan ang ayudang kailangan ng mga kababayan natin; hindi pautang, hindi dagdag na bayarin.

Mga Kapanalig, paalala nga ni Pope Francis sa kanyang talumpati sa UN noong 2015, tungkulin ng mga lider ng pamahalaang tiyaking natutugunan ang mga materyal na pangangailangan ng lahat upang mabuhay sila nang may dignidad. Sa kaso ng mga kababayan nating naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, lalo na ang mga maralitang magsasaka’t mangingisda, kailangan nila ng kagyat na tulong. Tiyak namang sa sandaling makaahon sila, sila mismo ang maghahanap ng pandagdag na kapital upang palaguing muli ang kanilang kabuhayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,493 total views

 1,493 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,466 total views

 7,466 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,221 total views

 13,221 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,484 total views

 20,484 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,469 total views

 28,469 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,494 total views

 1,494 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,467 total views

 7,467 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,222 total views

 13,222 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,485 total views

 20,485 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,470 total views

 28,470 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,101 total views

 35,101 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,105 total views

 47,105 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,147 total views

 55,147 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,704 total views

 46,704 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,129 total views

 45,129 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,915 total views

 46,915 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,840 total views

 43,840 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,154 total views

 58,154 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,844 total views

 61,844 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,447 total views

 60,447 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top