62,692 total views
Transport disaster… Kapanalig, ito ang kahihinatnan kapag tuluyang na-implement ang Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) na pinalitan ng Public Transport Modernization Program (PTMP) na inilunsad noong taong 2019.
Kapanalig, ang PTMP ay dumaan sa maraming roadblock, dahil tinagurian itong “anti-poor” ng mga transport group.. sa implementasyon ng programa, 150,000 libong tsuper at operators at 28-milyong Pilipino ang maaapektuhan nito.Sa ilalim ng programa, papalitan ng mga modernong jeep na EURO 4 diesel ang makina ang mga traditional na public utility vehicle na kilala sa buong mundo na “King of the road”, na sumisimbolo sa pagiging malikhain ng mga Pilipino sa pagdisenyo. Siyam na beses na na-suspend ang implementasyon ng programa dahil sa problema sa franchise consolidation at proseso ng aplikasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Bago ma-proseso ang isang prangkisa at mabigyan ng ruta ay kailangang magtatag o sumali sa isang kooperatiba ang isang jeepney operator. Problema din ng operator ang napakamahal na halaga ng isang modern jeepney na umaabot ng 1.3 hanggang 3-milyong piso.. Ang pangamba sa implementasyon ng programa, tataas ng 15-pesos hanggang 20-pesos ang minimum na singil sa pamasahe..Dagdag pasanin na naman sa mga ordinaryong mamamayan na kinakapos na rin ng panustos sa araw-araw na pangangailangan.
Sa datos, umaabot sa 42.6-libo ang Public Utility Vehicles ang nag-ooperate sa buong Pilipinas. 25.5-libo naman ang transport network vehicles (TNVS) at 21.7-libo ang taxi na nag-ooperate nationwide.
Sinasabi naman ng think tank na Ibon Foundation base sa datos ng Department of Transportation (DOTr) na as of December 13, 2024… tinatayang 71,395 PUVs nationwide ang hindi pa nako-consolidate na binubuo ng 64,639 public utility jeepneys (PUJs) at 6,756 utility van express (UVE) units. Inamin ng LTRFB na sa Metro Manila na mayroong 9-milyong pasahero kada araw at mayroong 677-PUJ routes ay 40-porsiyento lamang ng PUJs ang na-consolidate sa PTMP na mababa sa nationwide average na 70-percent… Ito ay malinaw na pagtutol ng mga operator at driver sa programa ng pamahalaan.. Dahil dito Kapanalig, nagsuspendi na naman ang implementasyon ng programa. Naghain din ng resolusyon na nilagdaan ng 23-Senador na huhiling sa Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na pansamantalang suspendihin ang implementasyon ng PTMP.
Nakahinga ng maluwag ang mga tsuper at operators… pumayag ang bagong kalihim ng DOTr na pansamantalang suspendihin ang programa…sinasabi nito na kailangan munang resolbahin ang tinatawag niyang practical at pragmatic issues na makakaapekto sa mga operator at driver. Pero, itutuloy pa rin ng kalihim ang programa.
Kapanalig, ang mga tradisyunal na jeepneys na simbolo ng Filipino creativity ay isang masakit na katotohanan sa kabiguan ng regulasyon ng gobyerno at kakulangan ng political will na gumawa at sustainable at inclusive na mass transit system sa bansa. Ang programa ay malinaw na pagpabor din sa mga negosyante at hindi sa mga operator, driver at maging sa milyun-milyong pasahero.
Kapanalig, lumagda si Pope Francis sa “Economy of Francesco Covenant: ‘Building an economy of the Gospel’. An “economy of peace and not of war” should emerge, which is opposed to arms proliferation, provides the care for creation, and is at the service of human person, family, and life. No one should be left behind in an ideal economy, and secure, dignified work should be available and protected for all. Finance, in this model, becomes a “friend and ally of the real economy and of labour, and not against them”.Iginigiit sa covenant na sa pag-unlad, walang dapat na naiiwan lalu na ang mga mahihirap. At sa pag-unlad, hindi dapat nasisira ang kalikasan.
Sumainyo ang Katotohanan.