Gawing health behavior ang regular check-up, panawagan ng CBCP sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,383 total reads

Hinikayat ng Health Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko na regular na magpakonsulta sa doktor upang matiyak ang kalusugan at maiwasan ang iba’t ibang karamdaman.

Kaugnay ito ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng atake sa puso sa bansa, na madalas humahantong sa kamatayan.
Ayon kay Camillian priest Fr. Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Healthcare, mahalagang bigyang-pansin ang regular na pagpapakonsulta upang maagapan at mabigyan ng tamang lunas ang anumang umiiral na karamdaman.

“One of the health behavior is ‘yung regular check-up. Kasi alam naman natin na tumatanda din tayo. Tumatanda din ‘yung ating katawan. Pero ‘pag meron kang regular check-up, this is one of the going back to the basics. Kung mahalaga ‘yung katawan mo, mahalaga ang buhay mo, papahalagahan mo ito,” ayon kay Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Fr. Cancino na ang pagkakaroon ng sakit sa puso, bukod sa namamana, ay maaari ring makuha sa pagkain ng matataba at maalat, pati na rin ang kakulangan sa regular na ehersisyo.

Dagdag pa ng pari na kapansin-pansin ang pagtaas ng mga kaso ng sakit at atake sa puso kasunod ng paglaganap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fr. Cancino, maaaring may kaugnayan ito sa mental health issues tulad ng stress at matinding pag-aalala dahil sa kawalan ng trabaho at pagkawala ng mga mahal sa buhay.

“Ang sabi natin after COVID-19 pandemic, meron din isa pang papausbong na pandemic at ito ‘yung ating mental illness. Maraming naapektuhan dahil nga stress, napakaraming problema. Ito rin ay nagdudulot o nagco-contribute doon sa pagtaas ng kaso ng mga heart attack, ng hypertension, and the rest,” saad ni Fr. Cancino.

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, ang ischemic heart disease ang nangunang sanhi ng pagkamatay sa bansa, na umabot sa halos 126,000 kaso sa unang anim na buwan ng 2021, at mahigit 113,000 sa parehong panahon noong 2022.

Mula Enero hanggang Setyembre 2023, muling nanguna ang ischemic heart disease sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa, na may higit 85,000 kaso; sinundan ito ng neoplasms, na mahigit 47,000 kaso; at cerebrovascular disease na umabot sa higit 45,000 kaso.

Samantala, bukod sa pangangalaga sa pisikal at mental na kalusugan, hinimok din ni Fr. Cancino ang publiko na bigyang-halaga ang espiritwal na kalusugan, na maaaring makatulong sa pagkakaroon ng payapang kalooban at maranasan ang mapagpagaling na presensya ng Panginoon.

“Kapag alam mong may connection ka sa Panginoon, may mga dumating mang problema sa ating buhay, alam mong may pag-asa… The basic of a healthy mentality would be a mentality that is grounded on hope. And babalik tayo sa basic ng ating spirituality—ang ating buhay pananampalataya na mayroong Diyos,” ayon kay Fr. Cancino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,999 total reads

 83,999 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,726 total reads

 185,726 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,514 total reads

 222,514 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 253,089 total reads

 253,089 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,988 total reads

 297,988 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,427 total reads

 58,427 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top