8,425 total views
Hinimok ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Office on Women ang mga Pilipino na paigtingin ang pagtutulungan at pakikipag-kapwa tao upang sama-samang mapaunlad ang lipunan.
Ito ang mensahe ni Borongan Bishop Crispin Varquez – Chairman ng CBCP-Office on Women sa paggunita ng buong buwan ng Marso bilang ‘International Women’s Month’ at sa March 08 ng International Women’s Day.
Ayon sa Obispo, nawa ay maliwanagan ang bawat isa na walang sinuman ang nakakalamang sa kapwa kung kaya’t mapababae man o lalake ay mahalaga ang pagtutulungan sa lipunan upang matiyak na ang sama-samang pag-unlad.
“Both gender contribute progress to the society according their capacity thus it should be recognized. There no such second class gender,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio veritas ni Bishop Varquez.
Nagagalak din ang Obispo na sa paglipas ng panahon ay higit na pinapahalagahan sa mundo ang mga kababaihan higit na ang kanilang pakikiisa sa lipunan.
Partikular sa mga ito ay ang naging mas malayang pakikiisa ng mga kababaihan sa Saudi sa kanilang lipunan sa kabila ng kanilang Islam na paniniwala kung saan simula pa noong 1960s ay patuloy ang pag-unlad ng mga sektor kung saan kaisa ang mga kababaihan katulad ng pagtatrabaho.
“I am happy that there are countries now that change their outlook on women like Saudi Arabia. They allow their women to work and become liberal on how women dress. Men and women have unique roles in our society,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.
Ngayong taon, itinalaga ng United Nations ang pagdaigdigan ng International Women’s Month sa temang “For ALL women and girls: Rights. Equality. Empowerment.”
Habang sa Pilipinas, ayon sa Philippine Commission on Women, ipagdiriwang naman ito sa temang ‘Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,’ bilang pagkilala sa mga babae bilang mahalagang pundasyon ng lipunan.