Tulungan ang mga apektado ng magnitude 6.1 na lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,259 total views

Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kapwa Pari matapos ang malakas na magnitude 6.1 na lindol na yumanig sa rehiyon ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.

Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Pari na tingnan kung may mga naapektuhan residente at inilikas sa mga komunidad na nangangailangan ng kagyat na tulong.

Please see if some people in your area were hurt or displaced, so they could be attended to.” mensahe ni Cardinal Tagle na ipinadala sa Radio Veritas

Nananawagan din si Cardinal Tagle sa mga Rector ng Simbahan at pamunuan ng mga paaralan na suriin ang kanilang mga gusali at tiyakin ang kaligtasan ng mga kawani at mga mag-aaral.

Please check also the parish church, rectory, pastoral halls and schools for possible cracks or damage, so appropriate action could be taken.” mensahe ni Cardinal Tagle

Ipinagdarasal din ni Cardinal Tagle ang kaligtasan ng lahat.

The procedures taught at earthquake drills should be reviewed with the community. We pray for the safety of all,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle.
Hinihiling din ni Cardinal Tagle ang muling pagsasanay o ‘earthquake drill’ sakaling muling magkaroon ng pagyanig.

Sa Archdiocese of Manila ay may higit 86 na parokya, at nakakasako sa 38 primary at secondary catholic schools.

Base sa Damay Kapanalig update, higit na naapektuhan ang lalawigan ng Pampanga kung saan dalawang lumang simbahan ang nasira – ang 17th at 19th century church ng St. Augustine sa Lubao at Santa Catalina de Alexandria sa Porac.

Nabatid sa nakalap na ulat ng Damay Kapanalig mula sa Social Action Center ng Archdiocese of San Fernando Pampanga na nagkaroon ng crack o lamat sa anim na Simbahan,cathedral at shrine sa Angeles,Sta.Rita, Guagua at Betis sa Pampanga.

From San Fernando Pampanga SAC

We’re safe. 2 churches, Lubao and Porac suffered major damages. 6 churches, cathedral at Angeles, Apu Shrine, Sta. Rita, Guagua and Betis, reported to have cracks in the buildings. Chuzon supermarket in Porac collapsed trapping some people. LGUs are doing their work naman.Thank you”.

Iniulat naman ni Father Tony Bernaldo, ang DRRM Priest-in-Charge ng Diocese of Balanga Bataan na natuklap ang flooring ng St.Peter of Verona Parish church sa Hermosa Bataan.

Inihayag ni Father Bernaldo sa Damay Kapanalig ng Radio Veritas na nagkaroon din ng crack sa gusali ng kanyang Parokya na Shrine of the Divine Mercy sa Balanga, Bataan.

Father Tony Bernaldo

Totoong malakas at inabutan ako sa simbahan bago magmisa. So far ang nabalitaan ko ay sa simbahan ng Hermosa na nahulog ang Patron na si San Pedro Verona mula sa retablo pero di naman nasira kaya lang ang flooring ng simbahan ay natuklap. Doon sa Divine Mercy ang parish ko ay nagkaroon ng crack ang wall na sacristy.” mensahe ni Father Bernaldo sa Damay Kapanalig.

May sampu katao na rin ang bilang ng nasawi dahil sa pagguho ng mga pader at isang mall sa Pampanga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,172 total views

 85,172 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,172 total views

 85,172 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,172 total views

 85,172 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 82,611 total views

 82,611 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,425 total views

 75,425 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 196,650 total views

 196,650 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top