US-Philippine relations, hindi maaaring putulin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Hindi ganap na naniniwala si Veritas 846 Senior Political Advisor Professor Ramon Casiple – Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagputol sa relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos.

Ipinaliwanag ni Casiple na batay sa naging pahayag at pagbibigay ng halimbawa ng Pangulo sa pagkuha ng mga Filipino ng Visa patungong US at malayang pagpunta ng mga Amerikano sa Pilipinas, ay nais lamang nitong limitahan ang espesyal na pagtrato ng mga Filipino sa mga banyaga partikular na sa mga Amerikano.

“Mapuputol lamang yung special relation, mayroon siyang ginamit na example yung Visa, sabi niya pagpumunta ka sa America pahirapan, kapag ang Kano pumunta sa Pilipinas walang Visa ibig sabihin ang interpretasyon ko dun sa sinasabi niyang cutting off economic, military ties – yung present ties na pwede nating i-categorized as special relation, pinapaboran natin yung Kano sa maraming bagay..”pahayag ni Casiple sa Radio Veritas.

Sa kanyang state visit sa China, pormal na idineklara ni Pangulong Duterte ang pagputol sa relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos sa larangan ng ekonomiya at military agreements.

Sa kasalukuyan batay sa datos ng Department of Trade and Industry, tinatayang nasa 13.5-bilyong dolyar ang halaga ng kasunduang nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte sa China habang 4.7-bilyong dolyar lamang ang US direct investments sa Pilipinas.

Bukod dito, tinatayang aabot sa 1.8-milyon ang bilang ng mga Filipino Immigrants sa Estados Unidos na sinasabing pang-apat sa may pinakamalaking bilang ng Immigrant population sa United States noong 2013.

Sa kabila nito, naninindigan naman ang Simbahan na kinakailangang maging prayoridad ng mga opisyal ng bayan ang kapakanan ng bawat mamamayan sa lahat ng mga desisyon at aksyong gagawin nito sa pamamahala sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 195,902 total views

 195,902 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 218,012 total views

 218,012 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 289,182 total views

 289,182 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 277,463 total views

 277,463 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top