608 total views

Kapanalig, kasama ang Pilipinas sa pagpupursige sa pag-kamit ng Sustainable Development Goals o SDG. Ang pagwaksi ng gutom ay isa mga mithiin nito.

Ang gutom, kapanalig, at ang epekto nitong malnutrisyon ay pangunahing dahilan ng kamatayan ng mga bata. Ayon sa World Health Organization (WHO), kada isang oras, 300 bata sa mundo ang namamatay sa malnutrisyon. Marami rito, hindi na opisyal na natatala, kaya kadalasan, hindi sapat na natutugunan ng problema ng gutom at malnutrisyon.

Kaya nga’t napakahalaga ng SDG 2 o Zero Hunger. Nilalayon nito na pagdating ng 2030, mawawaksi na ang gutom at matitiyak na lahat ng tao, lalo na ang maralita, ay may access sa masustansya at sapat na pagkain araw-araw. Nilalayon din ng SDG 2 na pagdating ng 2025, lahat ng uri ng malnutrisyon ay mawawaksi na rin sa buong mundo.

Ang SDG 2 ay dakilang mithiin, at sinasalamin din nito ang mga gabay ng Panlipinang Turo ng Simbahan ukol sa pagtatangi sa maralita. Ayon nga sa Gaudium et Spes, “ang ating mundo ngayon ay napupuno ng mga nakakaranas ng masidhing pangangailangan, kaya’t tayo ay iniimbitahang magbigay sa mga mamamayang salat sa pagkain. Kung tayo ay magdadamot, pinapatay na rin natin sila.”

Ang problema ng gutom ay mas matingkad sa ating bayan ngayon lalo na’t nasa gitna tayo ng pinaka-mahabang quarantine sa buong mundo. Nitong Hulyo, tinatayang umabot sa 4.8 milyong pamilyang Filipino ang nakaranas ng gutom, at sa bilang na ito, 674,000 na pamilya ang nakaranas ng extreme hunger o sukdulang gutom.

Ang gutom kapanalig, ay ang pinaka-matingkad na problema ng mas maraming mamamayan sa ating bansa ngayon. Ito ang dahilan kung bakit, kahit pa nagkalat na ang Delta variant sa ating bansa, marami pa rin sa ating mga mamamayan ang nakikipag-sapalaran sa labas ng tahanan. Kailangan nilang kumita upang makakain ang kanilang pamilya. Sa panahon ng hard lockdowns ngayon sa iba’t ibang lugar sa ating bansa, marapat na atin silang maalala, at kung makakaya, bigyan ng ayuda kahit mula sa sarili na nating bulsa.

Ang zero hunger, kapanalig, ay hindi lamang dapat misyon ng pamahalaan. Ito rin ay dapat nating maging personal na misyon. Ang pagbibigay ng pagkain sa ating mga kababayang salat na, lalo ngayong pandemya, ay isang kongkretong paraan upang ating mapalaganap ang Gospel of Life – ang Mabuting Balita na nagbibigay buhay sa lipunang unti-unti ng nawawalan ng pag-asa.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,831 total views

 8,831 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 23,475 total views

 23,475 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,777 total views

 37,777 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 54,550 total views

 54,550 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,049 total views

 101,049 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 8,832 total views

 8,832 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 23,476 total views

 23,476 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 37,778 total views

 37,778 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 54,551 total views

 54,551 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top