Bishop Gaa, umaapela sa mamamayan na maging daluyan ng habag at awa ng kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 916 total views

Kinakailangang umaksyon ang lahat para sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang panawagan ni Diocese of Novaliches Bishop Roberto Gaa kaugnay sa nakatakdang online Diocesan Telethon ng diyosesis na may temang “Tinapay ko, Handog ko” sa ika-21 ng Agosto, 2021.

Ayon sa Obispo, dahil sa pagpapatupad ng ibat ibang Enhanced Community Quarantine ay higit na dumami ang mamamayang nahihirapan partikular na ang mga naapektuhan ang pangkabuhayan at pagkakakitaan.

Ibinahagi ni Bishop Gaa na ang nakatakdang online Diocesan Telethon ng diyosesis sa buong araw ng Sabado mula alas-syete ng umaga hanggang alas-syete ng gabi ay isang paraan ng pagkatok ng Simbahang Katolika sa puso ng bawat isa upang maging daluyan ng habag, awa at pag-ibig ng Panginoon para sa mga nangangailangan.

“ECQ [MECQ] na naman po tayo at talagang ang mga nangangailangan talaga ay lalo pang naghihikahos, ang lahat po ay nahihirapan na rin pero kami po ay kumakatok sa inyong mga puso na sana ay makapagbigay po tayo ng kahit kaunti para sa mga nangangailangan sa diocese, kaya po magkakaroon po ng telethon buong araw po simula alas-syete ng umaga hanggang alas-syete ng gabi on August 21, 2021.” Ang bahagi ng paalala ni Novaliches Bishop Roberto Gaa.

Paliwanag ng Obispo, tampok rin sa nakatakdang online Diocesan Telethon kung saan mapupunta o ilalaan ng diyosesis ang anumang malilikom na pondo upang makatulong at makapagbigay ng ayuda sa mga mahihirap na mga parokya sa diyosesis ngayong panahon ng pandemya.

“Ito po ay antabayanan niyo nalang po online at kami po ay magkakaroon ng telethon, iba’t iba po ang mangyayari kaya maganda pong subaybayan, maganda po tayong makilahok at tumulong, hindi lang po kami basta manghihingi sa inyo pero makikita niyo po kung sino na po yung mga tumulong, makikita niyo rin po saan papunta ang inyong tulong. Kailangan po na umaksyon ang lahat para sa mga nangangailangan, sana po ay maantig ang ating mga puso para sa lahat ng nangangailangan.” Dagdag pa ni Bishop Gaa.

Magsisimula ang online Diocesan Telethon ng Diocese of Novaliches sa pamamagitan ng isang banal na misa na pangungunahan rin ni Bishop Gaa.

Una ng ibinahagi ni Rev. Fr. Luciano Ariel Felloni – Director ng Social Communications and Media Ministry ng diyosesis na ang natakdang gawain ay bahagi rin ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng pagiging Obispo ni Bishop Gaa sa diyosesis, kung saan target na makalikom ng sapat na pondo upang makapagkaloob ng food assistance sa 1,000 hanggang 1,500 pamilya sa bawat parokya partikular na sa mga mahihirap na komunidad sa diyosesis.

Maaring makibahagi sa nakatakdang online Diocesan Telethon ng Diocese of Novaliches sa pamamagitan ng pagsubaybay sa livestreaming ng gawain sa Roman Catholic Diocese of Novaliches Facebook Page kung saan nakasaad ang iba’t ibang paraan upang makapagpaabot ng tulong in-cash o in-kind sa pamamagitan ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 46,810 total views

 46,810 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 77,033 total views

 77,033 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 103,684 total views

 103,684 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 198,657 total views

 198,657 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 216,695 total views

 216,695 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top