Ugnayan sa pagitan ng Metropolitan Archdiocese of Manila at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan, lalo pang titibay sa pagkakatalaga kay Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

 339 total views

Naniniwala ang kauna-unahang Obispo ng Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na higit pang lalalim at titibay ang ugnayan ng bikaryato at ng Metropolitan Archdiocese of Manila sa pagkakatalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang bagong Obispo ng Apostoliko Bikaryato ng Taytay.

Ayon kay Taytay Bishop Emeritus Edgardo Juanich, bukod sa Panginoon at sa Santo Papa Francisco ay marapat din pasalamatan at iba pang mga opisyal ng Simbahang Katolika na patuloy na gumagabay sa bikaryato kabilang na ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle na siyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na nangangasiwa sa kapakanan ng bikaryato mula sa Vatican.

Ipinaliwanag ng Obispo na bukod sa Propaganda Fide ay nasa ilalim rin ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan sa pangangasiwa ng Metropolitan Archdiocese of Manila na matagal na pinaglingkuran ni Bishop Pabillo bilang Auxiliary Bishop sa loob ng 15-taon.

Ibinahagi ni Bishop Juanich na maituturing na isang biyaya si Bishop Pabillo sa biyaryato dahil sa kanyang mayamang karanasan at magandang relasyon sa Archdiocese of Manila mula sa pagiging katuwang na Obispo kay Cardinal Gaudencio Rosales, Cardinal Luis Antonio Tagle at kay Cardinal Jose Advincula.

“Pinapasalamatan po natin ang ating mga Cardinal, lalong lalo na ang Cardinal Chito [Luis Antonio Tagle] na in-charge on Evangelization of Peoples – Propaganda Fide na tayo ay sakop at gayundin po ang totoo niyan tayo ay sakop din po ng Metropolitan Archdiocese of Manila para bang yung atin pong link doon sa Archdiocese of Manila ay lalo pang tumingkad at tumibay mga kapatid sa pagdating po ng 15 years na Auxiliary Bishop ng Manila at napakaganda na simula ng lenght ng paglilingkod niya sa Manila simula kay Cardinal Gaudencio Rosales, Cardinal Chito hanggang dumating si Cardinal [Jose] Advincula, 15 years po.” Ang bahagi ng pahayag ni Taytay Bishop Emeritus Edgardo Juanich.

Binigyang diin naman ni Bishop Juanich na dapat na tuwinang maging bukas ang puso ng bawat isa sa bikaryato para sa biyaya ng Panginoon tulad na lamang ng Mahal na Birheng Maria na sa kabila ng mga pagsubok, hamon at kawalan ng katiyakan ay hindi nawalan ng pag-asa at pananampalataya sa hatid na biyaya ng Panginoon sa kanyang buhay.

“Talagang nakakatuwa ito’y himala ng Panginoon, himala ng Panginoon at punong puno ang ating puso tayo ay patuloy lamang na maging open kagaya ni Mama Mary para ang grasya ng Panginoon ay dumaloy sa atin, lahat ng mga gawain, hirap, mga challenges sa ating mga komunidad sa ating mga parokya, pati na sa ating mga relasyon yan ay sabihin na natin mga ingredient [sa buhay pananampalataya].” Dagdag pa ni Bishop Juanich.

Itinatatag ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan noong May 13, 2002 kung saan nagsilbing kauna-unahang Obispo ng bikaryato si Bishop Edgardo Juanich hanggang sa magretiro noong November 14, 2018.

Sa loob ng halos tatlong taon ay naging sede vacante ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan na pansamantalang pinangasiwaan bilang Administrator ni Fr. Reynante Aguanta bago hinirang si Bishop Broderick Pabillo bilang ikalawang Obispo ng bikaryato na nagsilbi namang Auxiliary Bishop o katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Maynila sa loob ng 15-taon mula noong Mayo 24, 2006.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 61,753 total views

 61,753 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 65,732 total views

 65,732 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 76,624 total views

 76,624 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,066 total views

 89,066 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 99,828 total views

 99,828 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 54 total views

 54 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 233 total views

 233 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 1,304 total views

 1,304 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 4,319 total views

 4,319 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 5,169 total views

 5,169 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 5,523 total views

 5,523 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 19,748 total views

 19,748 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 6,637 total views

 6,637 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 7,226 total views

 7,226 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 12,917 total views

 12,917 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 13,382 total views

 13,382 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 8,357 total views

 8,357 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 17,893 total views

 17,893 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Cabanatuan cathedral

 6,739 total views

 6,739 total views Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Cabanatuan sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines sa St. Nicholas of Tolentine Parish Cathedral o kilala bilang Cabanatuan Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral noong ika-14 ng Hunyo, 2024 ay ibinahagi

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

Inisyatibo ng mga layko laban sa divorce, pinuri ng opisyal ng CBCP

 19,324 total views

 19,324 total views Kinilala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsusumikap at inisyatibo ng may layko na pangunahan ang pagsusulong sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Inihayag ito ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Vocations sa paglulunsad ng Super Coalition Against

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top