Diocese of Novaliches, pina-igting pa ang pagtulong sa mga nahihirapan sa COVID 19 crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Patuloy na nagiging aktibo ang Caritas Novaliches sa pagsasagawa ng mga pagkilos upang makatulong sa mga mahihirap ngayon panahon ng pandemya.

Ito ang ginarantiya ni Rev. Fr. Joseh Buslon, Director ng Caritas Novaliches kaugnay sa kanilang agresibong pagsisikap na makapaghatid ng ayuda sa mga mamamayan sa nasasakupan ng kanilang diyosesis.

Ayon kay Fr. Buslon, ngayon mas higit na kailangan ng mahihirap ang bawat isa partikular na ng tulong mula sa Simbahan kaya’t hindi tumitigil ang kanilang tanggapan sa pamamahagi ng tulong katuwang ang iba pang organisasyon ng Simbahang katolika at mga pribadong sektor.

“Mahalaga ang mga tulong na ipinararating at inihahatid ng Simbahan sa mga kapatid nating kapos at naghihikahos sapagkat mula sa mga tulong na iyon ay naka susumpong sila ng liwanag at pag-asa na hatid ni Kristo at tayo bilang kapwa ang kanyang instrumento.” Mensahe ni Fr. Buslon sa Radyo Veritas.

Umaasa si Fr. Buslon na ang kanilang mga pagkilos ay magsisilbi din inspirasyon para sa mga nakakaranas ng krisis at magsisilbi naman itong oportunidad para sa iba upang makatulong.

“You can give without loving, but you cannot love without giving. “Magmahal ng lubos, magbigay ng taos, maglingkod ng hindi kapos, ibahagi ang sarili kahit lakas ay maubos ang Diyos na ang bahala sa lahat pagkatapos.” Dagdag pa ni Fr. Buslon.

Kaugnay nito, isang online telethon ang isasagawa ng Diocese of Novaliches sa ika-21 ng Agosto mula ika-pito ng umaga hanggang ika-7 ng gabi.

Layunin ng nasabing telethon na makalikom ng pondo para ibahagi sa mga mahihirap na lalong naapektuhan ng pandemya ang kanilang mga pamumuhay.

Ilan sa mga inaasahang makikibahagi sa “Online Telethon” ng Diocese of Novaliches ay sina Manila Archbishop Emeritus at Caritas Internationalis President Luis Antonio Cardinal Tagle, Bro. Bo Sanchez at Rev. Fr. Jerry Orbos SVD kasama ang iba pang mga kaparian sa Diyosesis at mga lingkod ng Simbahan.

Tinatayang nasa 33 Parokya na sa Diyosesis ang nahatiran ng may 700 sako ng bigas ng Caritas Novaliches maliban pa sa patuloy na pamimigay ng mga food packs, gulay, at mga gift certificates.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,920 total reads

 13,920 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,007 total reads

 15,007 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,429 total reads

 30,429 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,806 total reads

 67,806 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,076 total reads

 99,076 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,386 total reads

 174,386 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,141 total reads

 267,141 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,300 total reads

 100,300 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top