Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

Sa ating panahon ngayon, mukhang nahihirapan ang mga tao na kilalanin kung ano ang grasya. Marami sa atin hindi na alam kung ano ito. Marami sa atin, hindi na rin dama kung dumarating pa ba ito. Ano nga ba ang grasya, kapanalig?

Ayon sa the Catechism of the Catholic Church, “Grace is favor, the free and undeserved help that God gives us to respond to his call to become children of God, adoptive sons, partakers of the divine nature and of eternal life.”

Batay sa depinisyon na ito, grasya kapanalig, ang tulong na binibigay ng mga tao o institusyon upang tayo at ang ating lipunan ay maging mabuti, maayos, at maka-Diyos.

Kapanalig, ito lamang nakalipas na mga araw, lumabas ang report ng Commission on Audit (COA) ukol sa P67 bilyong COVID funds na hindi nagamit ng maayos ng Department of Health (DOH). Kabilang dito ang P3.4 billion COVID foreign aid  na hindi na gamit ng naturang ahensya.

Marami man ang nabigla dito, hindi naman natin maitatatwa na may binigay itong pag-asa. Unang-una, nalaman natin na may pera pa pala na maaring magamit para mas mapagaan ang impact at epekto ng pandemya sa ating bansa. Pangalawa, naramdaman din natin na may ahensya pa pala ng pamahalaan na nagbabantay para sa kapakanan ng bayan at sa buwis na pinaghirapan ng ating mga manggagawa at mga negosyante.

Grasya ito, kapanalig. Ang ganitong impormasyon na binusisi ng COA ay tutulong sa ating paglaban sa pandemya. Maitutuwid din nito ang anumang pagkukulang o oversight na maaring nagawa ng kinauukulan. Walang alegasyon ng korupsyon sa report, pinakita lamang nito na may kakulangan sa pamamahala o governance. Ang ganitong sitwasyon ay maaring maituwid at mabawi.

Kaya’t nakakapagtataka na ang  ating mga pinuno mismo ang eksaharada ang reaksyon sa pagsusuri ng COA. Ginagawa lamang nito ang kanyang mandato sa ilalim ng ating Konstitusyon – ang maging tagapag-bantay ng kaban ng bayan. Sa halip na iwasto ang anumang pagkukulang, nagmumura at nag-ngangangawa ang ating mga lider. Huwag naman sana ganyan. Sila pa naman ang dapat maging huwaran ng bayan. Ang maayos na pamamahala ay grasya rin para sa bayan. Huwag sana ipagkait ito ng ating mga pamahalaan.

Sumainyo ang Katotohanan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 107,423 total reads

 107,423 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 245,612 total reads

 245,612 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 361,389 total reads

 361,389 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 477,456 total reads

 477,456 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 107,425 total reads

 107,425 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 245,614 total reads

 245,614 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 361,391 total reads

 361,391 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top