Hindi sapat ang kasikatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 57,519 total reads

Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito.

May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga tumatakbo para maging kinatawan ng distrito ninyo sa Kongreso? Sa mga gustong maging mayor, vice-mayor, at konsehal? Sa mga nalalaman ninyong pangalan ng mga kandidato, may bago ba?
Bago kasi ang filing ng COC, may mga partido nang ipinakilala ang kanilang mga magiging manok sa eleksyon. (Parang sabong, ‘di po ba?) Isa sa mga ito ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas, ang koalisyon ng administrasyong BBM. Mula sa iba’t ibang partido-pulitikal ang mga kandidato ng presidente, pero puná ng ilan, “Bagong Pilipinas” pero mga “lumang mukha”?
Ang line-up kasi ng administrasyon ay binubuo ng limang reelectionists o mga kasalukuyang senador na magtatapos na ang anim na taóng termino. Nais ding magbalik-senado ang tatlong kandidato. Dalawang kandidato naman ay mula sa Mababang Kapulungan; mga kongresistang gustong mag-level-up, ‘ika nga. Isa naman ay kasalukuyang mayor, at mayroon ding miyembro ng gabinete. Maliban sa hindi na bago ang mga pangalan nila, kapansin-pansin ding ilan sa kanila ay kamag-anak ng mga nakaupong senador. Apat sa kanila ay may kapatid sa senado ngayon. Ang isa ay kapatid pa ng pangulo.

Isantabi muna natin ang usapin kung sapat at akma nga ba ang kanilang mga kakayahan para maging mahusay na tagapaggawa ng batas at tagapagbantay ng ibang sangay ng gobyerno. Ang kapuna-puna ay ang tila pagbibigay-diin sa pagiging sikat ng mga kandidato, partikular ng mga manok ng administrasyon. Madaling maalala ang kanilang mga apelyido dahil mula sila sa kilalang angkan o pamilya, o kaya naman ay kilala silang personalidad sa showbiz at maging sa sports. Paulit-ulit din ang kanilang mga patalastas sa TV, radyo, at maging sa social media, kaya didikit talaga sa alaala ng mga botante ang kanilang pangalan. Hindi katakataka kung ang mga pangalan nila ang lumulutang sa mga survey kung saan tinatanong ang mga tao kung sinu-sino ang napupusuan nilang ibotong senador.

DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, kinikilala nating may mga lider talagang sikat o popular. Hindi maikakaila ang kanilang impluwensya sa mga tao, at maaaring gamitin ito sa positibong layunin. Kaya nilang pagkaisahin ang mga mamamayan para sama-samang tumungo sa pagbabago at paglagong pakikinabangan ng lahat. Pwede silang maging instrumento ng tinatawag nating common good.

Pero ang kanilang kasikatan ay maaari ding magamit para sa makikitid na interes. Maaari silang maging daan tungo sa tinatawag sa Fratelli Tutti na “unhealthy populism.” Tumutukoy ito sa paggamit ng mga tao ng kanilang kasikatan upang samantalahin ang pulitika para sa kanilang kapakinabangan o patuloy na pagkapit sa kapangyarihan. Masasabing malubha ang negatibong epekto ng “unhealthy populism” kung humahantong ito sa pag-abuso sa mga institusyon ng pamahalaan at sa pagbaluktot sa mga batas.

Hindi tayo hahantong sa “unhealthy populism” kung ang pagboto natin ay hindi nakabase sa kung sinu-sino ang naaalala nating pangalan. Malaki at mabigat na tungkulin ang nakaatang sa mga lider ng ating gobyerno, kaya hindi sapat na kilalá o sikat lamang sila. Sabi nga sa Mga Kawikaan 11:14, “Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.” Ang tagumpay na ito ay nakasalalay sa dalisay na layunin at hindi matatawarang husay ng mga iluluklok natin sa puwesto.

Mga Kapanalig, nagsimula na nga ang election season sa bansa. May panahon pa tayong suriin ang mga kandidatong humihingi ng ating sagradong boto.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 71,054 total reads

 71,054 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 108,603 total reads

 108,603 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 142,732 total reads

 142,732 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 199,137 total reads

 199,137 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 71,055 total reads

 71,055 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 108,604 total reads

 108,604 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 142,733 total reads

 142,733 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 199,138 total reads

 199,138 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top