Bishop Pabillo, itinuturing na himala ang pagiging Apostolic Vicar ng Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Itinuturing na isang himala ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang pagkakahirang sa kanya bilang bagong pinunong pastol ng bikaryato maging sa gitna ng kasalukuyang panahon ng pandemya.

Ayon sa Obispo, dahil sa mapaghimalang pagmamahal ng Diyos ay naging posible ang kanyang hangarin na muling mabalik at makapaglingkod sa bayan ng Diyos sa Palawan bilang ikalawang Obispo ng Apostoliko Bikaryato ng Taytay.

“Ang installation na ito ay nangyayari ay isang himala ng Diyos, dahil sa kanyang pagmamahal. Himala ng Diyos na ako ay makabalik sa Palawan. Talagang gusto ko na ako ay makabalik uli at maglingkod dito sa Palawan, pero isang malaking milagro na ang hangaring ito ay natupad. Salamat sa Diyos! Isang himala din na kahit na sa loob ng pandemya nagkakaroon tayo ng installation.” pagninilay ni Bishop Pabillo.

Bagamat hindi nakadalo sa kanyang installation sina Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ay ipinagpapasalamat ni Bishop Pabillo ang mainit na pagtanggap at pagkikibahagi sa pagdiriwang ng mga lingkod ng Simbahan sa Palawan sa pangunguna ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona at Taytay Bishop Emeritus Edgardo Juanich na siyang unang nagsilbing obispo ng bikaryato.

Pagbabahagi ni Bishop Pabillo, na bagamat payak lamang ay naging makabuluhan naman ang buong paggunita sa Ritu ng pagtatalaga sa kanya bilang bagong pinunong pastol ng Apostoliko Bikaryato ng Taytay kung saan nagmistulang family affair ito ng bayan ng Diyos sa Palawan.

“Ang pagdiriwang natin ay naging all Palawan affair na lang. Nandito naman si Bishop Socrates Mesiona ng Vicariate of Puerto Princesa at si Bishop Edgardo Juanich, ang ating Bishop Emeritus ng Taytay. Mas simple pero mas naging family affair ng mga taga-Palawan.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ayon kay Bishop Pabillo ang kanyang episcopal motto na “Fides in Caritate” o Faith Through Love ang kanyang magsisilbing gabay sa pangangasiwa sa buhay espiritwal ng mga mananampalataya sa bikaryato patungo sa kabanalan sa piling ng Panginoon.

Paliwanag ng Obispo, ang pananalig o pananampalataya sa Panginoon na walang kaakibat na pag-ibig ay maituturing na patay sapagkat magiging ganap lamang ito sa pamamagitan ng pagpapamalas ng mga gawain ng pag-ibig tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan, paggabay sa mga naliligaw ng landas at pag-alalay sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay.

“Ang pananalig sa Diyos na walang pag-ibig ay patay. Nararamdaman ang pananampalataya sa mga gawain ng pag-ibig. Gusto kong ito ay palagi kong ma-alaala. Balewala ang pananampalataya na hiwalay sa pag-ibig.” Ayon kay Bishop Pabillo.

Taong 1999 ng magsilbi si Bishop Pabillo bilang bahagi ng kaparian ng Puerto Princesa, Palawan bago itinalaga bilang katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Maynila noong Mayo 24, 2006.

Ang Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan ay may 22 mga parokya kung saan magsisilbing katuwang ni Bishop Pabillo sa pangangasiwa at paggabay sa buhay espiritwal ng mahigit sa 390-libong mananampalatayang Katoliko ang 37 mga Pari sa bikaryato.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,038 total reads

 4,038 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 11,237 total reads

 11,237 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 48,581 total reads

 48,581 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,851 total reads

 274,851 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 168,318 total reads

 168,318 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,790 total reads

 261,790 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top