Pagtutulungan at pakikipag-ugnayan, isusulong ni Bishop Pabillo sa Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Pagtutulungan at pakikipag-ugnayan, layunin ng bagong Bikaryo Apostoliko ng Taytay, Palawan.

Ito ang binigyang-diin ni Bishop Broderick Pabillo kasabay ng pormal na pagtatalaga sa kaniya bilang bagong punong pastol ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan.

Sa pagninilay ni Bishop Pabillo, pinasalamatan nito ang mga pinuno mula sa lalawigan ng Palawan at mga kinasasakupang lungsod ng Bikaryato dahil sa mainit na pagsalubong at pagtanggap sa kaniya bilang bagong pastol ng Apostoliko Bikaryato.

Sinabi ng Obispo na nais nitong ipalaganap ang maayos na ugnayan at pagtutulungan sa pagitan ng simbahan at lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng katotohanan, pangangalaga sa sangnilikhang biyaya ng Poong Maykapal para sa lahat, at ang paninindigan para sa karapatan ng bawat mamamayan.

Paliwanag ni Bishop Pabillo na maaaring minsan ay makakapagbitaw siya ng mga mabibigat na salita laban sa pamahalaan, ngunit ito lamang ay paraan niya upang bigyang-pansin ang mga gawaing hindi nagdudulot ng magandang epekto sa mamamayan.

“Ibig kong makipagtulungan sa inyo para sa ikabubuti ng pamayanan. Pero sana maintindihan ninyo na kung minsan makakarinig kayo ng mabibigat na puna galing sa akin; hindi iyan nangangahulugan na tinitira ko kayo personally. Maging professional at mature lang tayo,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo sa kanyang installation bilang Bikaryo Apostoliko ng Taytay.

Umaasa ang Obispo na kanyang makakasundo ang bawat pinuno sa lalawigan upang maging simbolo ng maayos na ugnayan para sa kapayapaan at pagtataguyod ng mga aral at turo para sa pagiging mabuting Kristiyano.

“Mag-uusap tayo ng personal at ako mismo ay gustong magkaroon ng personal na ugnayan sa inyo kasi tayo ay magkakapatid sa paglilingkod at marami naman sa inyo ay mga Kristiyano din,” ayon kay Bishop Pabillo.

Kabilang sa mga dumalo sa Civic Ceremony bilang pormal na pagtanggap kay Bishop Pabillo ay sina Palawan Provincial Vice Governor Dennis Socrates; Palawan First District Congressman Franz Alvarez; Board Member Juan Antonio ALvarez; Roxas Mayor Dennis Sabando; El Nido Mayor Edna Gacot-Lim; Coron Mayor Rica Reyes-Gaw; at Taytay Mayor Christian Rodriguez.

Hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Hunyo 29 si Bishop Pabillo bilang ikalawang Apostolic Vicar ng Taytay, kapalit ni Taytay Bishop Emeritus Edgardo Juanich na nagbitiw noong taong 2018 dahil sa karamdaman sa kalusugan.

Bago ito, si Bishop Pabillo ay naging Apostolic Administrator ng Arkidiyosesis ng Maynila noong Pebrero 2020 matapos na hirangin ni Pope Francis ang noo’y Arsobispo ng Maynila at ngayo’y Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Nagsilbi naman ito bilang Auxilliary Bishop ng Maynila sa loob ng 15 taon, matapos na italaga ni Pope Benedict XVI noong 2006.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,443 total reads

 3,443 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,304 total reads

 10,304 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,709 total reads

 47,709 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 273,979 total reads

 273,979 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,446 total reads

 167,446 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 260,966 total reads

 260,966 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,614 total reads

 150,614 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top