Pagtigil sa mother tongue-based education

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 74,180 total reads

Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata.

Noong 2013, kasabay ng paglipat sa K-12 curriculum, sinimulan ang paggamit ng mother tongue sa pagtuturo sa mga nasa Kindergarten hanggang Grade 3. Ito ay bilang pagkilala sa kalagayang kinalakhan at mga karanasan ng mga estudyante, kabilang ang wikang natutunan nila mula pagkabata. Ang unang apat na taon ng pag-aaral ng mga bata kasi ang panahon kung saan itinuturo sa kanila ang foundational skills o mga kasanayáng mahalaga hanggang sa pagtandâ. Sabi ni Senador Sherwin Gatchalian, ang pangunahing may-akda ng bagong batas, malinaw daw ang ebidensyang hindi naging epektibo ang mother tongue kahit isang dekada na itong ipinatutupad. Binanggit niyang halimbawa ang kulelat na ranking ng Pilipinas sa mga international performance assessments.

Maraming umalma. Isa sa mga ito ang Kabataan Partylist na nagsabing isang “step backward” o hakbang paurong ang pagtigil sa paggamit ng mother tongue sa mga paaralan. Ayon naman sa manunulat at dating commissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Jerry Gracio, taliwas daw ang batas sa matagal nang sinasabi ng mga eksperto na mas madaling matuto ang mga bata kapag mother tongue ang ginagamit.

Nagbigay ng halimbawa ang Alliance of Concerned Teachers dito. Ang paggamit daw ng mother tongue sa pagtuturo ng pagbabasa at pagsusulat ay mas mainam dahil ito na ang wikang naiintindihan at araw-araw na ginagamit ng mga estudyante. Ang foundational skills na ito ay makatutulong sa pagkatuto ng mga estudyante ng iba pang mga wika at paksa.

Muli, optional na lang ang paggamit ng mother tongue sa pagtuturo. Kung iisipin din kasi, sa mga teknikal na paksa, malaking hamon para sa isang guro ang pagsasalin ng mga konsepto mula sa Ingles, gaya ng “one plus one” sa math o kaya naman “solid, liquid, and gas” sa science. Dagdag pa ang pagsasalin o pagta-translate sa patung-patong na responsabilidad ng mga guro katulad ng paghahanda ng lesson plans, pag-attend ng mga meeting, at pagdalo sa mga seminar

Pero masusolusyunan naman ito. Ayon sa ilang grupo, imbis na tanggalin ang pagtuturo gamit ang mother tongue, paglaanan dapat ng pondo ang pagbubuo ng mga materyales na magsasanay at gagabay sa mga guro sa pagtuturo gamit ang wikang nakagisnan at nakasanayan ng mga bata. Gaya ng sabi sa Catholic social teaching na Gravissimum Educationis, tulungan dapat ang kabataang paunlarin ang kanilang kaisipan para sila ay mabuhay nang maayos at malaya. Malaking tulong dito ang matuto sila gamit ang wikang alam nila. 

Mga Kapanalig, maayos at dekalidad na edukasyon ang kailangan ng mga estudyante sa pagpapaunlad ng kanilang sarili at buhay. Hindi ito mangyayari kung babalewalain ng pamahalaan ang mga paraan upang mas madali silang matuto at kung hindi bibigyan ang mga guro ng sapat na kasanayan at kaalaman sa pagtuturo gamit ang mother tongue.  Sabi sa Mga Kawikaan 16:16, “higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan, at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang-unawa.” Sa pagkamit ng karunungan at pag-unawa, susi ang pagkatuto gamit ang wikang naiintidihan ng mga mag-aarál.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagat ng basura

 50,316 total reads

 50,316 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 73,167 total reads

 73,167 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 153,822 total reads

 153,822 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 255,548 total reads

 255,548 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 290,734 total reads

 290,734 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dagat ng basura

 50,317 total reads

 50,317 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 73,168 total reads

 73,168 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 153,823 total reads

 153,823 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 255,549 total reads

 255,549 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »
Scroll to Top