Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,450 total reads

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto ng Tropical Storm Kristine.

Sa bahagi ng Camarines Sur, iniulat ni Caritas Caceres executive director, Fr. Marc Real na bagamat hindi malakas ang hangin, walang tigil ang malakas na ulan simula pa noong Lunes kaya’t marami na ring mga lugar ang nakakaranas ng pagbaha.

Ayon naman kay Caritas Libmanan executive director, Fr. Romulo Castaneda may naitala na ring pagbaha sa spillway at pagkawala ng kuryente sa ilang parokyang saklaw ng diyosesis.

“Okay lang sana ang hangin, pero grabe ang ulan. Hindi ito tumitigil simula pa kahapon. Marami na ang binabaha,” ayon kay Fr. Real sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ulat naman ni Legazpi social action director, Fr. Eric Martillano, nagsagawa na ng mandatory evacuation ang ilang bayan sa Albay dahil sa epekto ng baha.

Bukod dito, may higit 400 pasahero ang stranded sa Tabaco Sea Port, at higit 600 naman sa Pioduran Sea Port.

Inilunsad naman ng Diyosesis ng Legazpi ang Parish Disaster Response Parish Disaster Response (PaDRe) Team upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga higit na apektado ng bagyo.

“Parish Disaster Response Teams were activated…to assist those in need – whether through providing space in the Parishes for the evacuees, food, or other resources,” ayon kay Fr. Martillano.

Samantala, tiniyak naman ni Daet SAC director, Fr. Jojo Caymo ang aktibong pagbabantay sa kalagayan sa mga bayan ng Camarines Norte, sa tulong ng Parish Social Action Ministries (PSAM).

Dalangin ni Fr. Caymo na ang lahat ay patnubayan ng Diyos, at iligtas sa anumang kapahamakang dala ng Bagyong Kristine. “We hope and pray for a better situation soon and less casualties with God’s unfailing protection. We will respond as the need arises,” ayon kay Fr. Caymo.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, at mga silangang bahagi ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.

Una nang umapela ang Diyosesis ng Virac, Catanduanes ng pananalangin ng Oratio Imperata upang hilingin ang kaligtasan ng lahat mula sa epekto ng Bagyong Kristine.(michael)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 80,649 total reads

 80,649 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 118,021 total reads

 118,021 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 149,283 total reads

 149,283 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 222,057 total reads

 222,057 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 312,353 total reads

 312,353 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top