Deserve ng ating mga teachers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 55,152 total reads

Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro.

Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation service credits. Ito ay doble ng umiiral na 15. Ang mga leave credits na ito ay magagamit ng mga guro bilang pamalit sa mga araw na lumiban sila dahil sa sakit o anumang personal na rason. Dagdag ng kagawaran, tugon nila ito sa mga panawagang gawing patas ang oras ng pagtatrabaho ng mga guro at bigyang-kompensasyon ang mga trabahong ginagawa nila sa labas ng silid-aralan. 

Maaari ding bigyan ng vacation service credits ang mga teachers para sa tinatawag na teaching overload sa mga pagkakataong kulang ang pondo para bayaran sila sa pagtatrabaho nang higit sa itinakdang oras nila kada araw. Bukod pa ito sa dinobleng vacation service credits. Anim na oras lamang ang regular teaching hours ng isang guro sa pampublikong elementary school o high school. Sa ilalim ng kalalabas na direktiba ng DepEd, ang anumang oras na lampas dito ay babayaran o papalitan ng vacation service credits, depende sa bilang ng extra na oras ng pagtatrabaho. Ang isang oras na hindi mababayarang overload work ay tutumbasan ng isang oras at labinlimang minutong vacation credits.

Magandang balita ito para sa ating mga teachers. Sabi nga, deserve nila ito!

 
DZRV846 SOCMED PACKAGE 2024_6

Ang karagdagang vacation service credits ay matagal nang isinusulong mga mga grupong katulad ng Alliance of Concerned Teachers. Malaking tulong daw ang pagdodoble sa vacation service credits dahil walang sick leaves ang mga guro. Napipilitan silang magtrabaho kahit sa mga araw na dapat nagpapahinga o nagpapagaling sila dahil gusto nilang magkaroon ng service credits. Hindi talaga biro ang ginagampanang tungkulin ng mga itinuturing nating pangalawang magulang ng ating mga anak. 

Matagal nang problema ng mga guro ang kanilang pagiging overworked o pagkapagod dahil sa patung-patong na trabahong ginagawa nila maliban sa pagtuturo sa mga bata. Isa nga ito sa mga nakikitang dahilan sa mababang academic performance ng mga mag-aaral. Hindi na nga sila nakatatanggap ng sahod na masasabing sapat para sa kanilang mga pangangailangan at akma para sa kanilang propesyon, pasán pa ng ating mga guro ang ibang mabibigat na trabaho sa labas ng eskuwelahan. Dahil sa pananaw na sinusuwelduhan naman sila ng gobyerno at maituturing na public servants, inaasahan silang maging tapat o committed sa kanilang trabaho at, kung kinakailangan, magsakripisyo alang-alang sa mga mag-aaral, sa paaralan, at sa komunidad. (Ganito rin ba ang kabigat ang inaasahan natin sa ibang lingkod-bayan gaya ng ating mga lider?) Sa laki ng inaasahan sa mga guro, naisasantabi ang kanilang kapakanan at kalusugan.

Ang pagbibigay sa ating mga guro ng dagdag na araw ng service credits ay sang-ayon sa dignidad ng pagtatrabaho, isang saligang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Pagkilala ito sa kanilang dangal na hindi nakatali dapat sa kanilang ginagawa kundi sa kanilang pagiging tao—sa kanilang kabutihan, kalusugan, at kaligtasan. Ang mga guro, minsang sinabi ni Pope Francis, ay hindi lamang tagapagsalin ng kaalaman sa kanilang mga tinuturuan. Ibinabahagi rin nila ang kanilang mga paninindigan o pinahahalagahan, gayundin ang kanilang katapatan sa buhay. Ang mga guro ay kabilang sa mga “tumanggap ng kaloob sa pagtuturo,” sabi nga sa Roma 12:7. Hindi nila magagampanan ang tungkulin o “kaloob” na ito kung sila mismo ay mahina, pagód, at binabalewala. 

Mga Kapanalig, malaki ang ating inaasahan sa mga humuhubog sa isipan ng ating kabataan, kaya marapat lamang na bigyang-pansin din ang kanilang kapakanan. 

Sumainyo ang katotohanan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 8,153 total reads

 8,153 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 10,565 total reads

 10,565 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 10,263 total reads

 10,263 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 25,818 total reads

 25,818 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 74,477 total reads

 74,477 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 96,567 total reads

 96,567 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 196,388 total reads

 196,388 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 228,280 total reads

 228,280 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaya na si Mary Jane

 25,819 total reads

 25,819 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

PAX SILICA

 96,568 total reads

 96,568 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 196,389 total reads

 196,389 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »
Scroll to Top