Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 82,389 total views

Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.”

Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization ng UN na may mga taong nagugutom pa rin sa kabila ng sapat na pagkaing napo-produce ng mga magsasaka at mangingisda sa buong mundo. 

Masasabi ba talaga nating nakakamit ng lahat ang karapatan sa pagkain?

Matatandaang nitong Agosto ay nabatikos ang kalihim ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na si Secretary Arsenio Balisacan dahil sa komentong kailangan lamang ng ₱64 upang makakain nang tatlong beses sa isang araw ang isang Pilipino. Maraming bumatikos dahil hindi raw makatotohanan ang halagang iyon. Napakalayo raw sa reyalidad ng gutom na nararanasan lalo na ng mahihirap. 

Ayon sa survey ng Social Weather Stations, 17.6% ng mga Pilipino ang nakararanas ng gutom noong second quarter ng 2024. Mas mataas ito sa 14.2% na naitala noong Marso. Ang 15.9% involuntary hunger average sa unang anim na buwan ng 2024 ay ang pinakamataas na hunger average mula 2020 o noong kasagsagan ng pandemya. (Ang involuntary hunger ay tumutukoy sa karanasan ng gutom o kawalan ng access sa pagkain isang beses sa tatlong buwan.)

Sa datos naman ng Global Hunger Index noong taong 2023, ang Pilipinas ay pang-66 sa 125 bansa kung pag-uusapan ang kagutuman. Sa score ng Pilipinas na 14.8%, maituturing na moderate ang tindi ng mga epekto ng gutom at kawalan ng pagkain. Ayon sa pag-aaral na ito, isa sa bawat tatlong Pilipino ang undernourished. isa sa bawat anim na bata naman ang kulang sa kanilang timbang at tangkad dahil sa hindi sapat na nutrisyon. Isa sa bawat tatlong batang Pilipino na limang taong gulang pababa ang namamatay dahil sa gutom. 

Sinasalamin ng mga datos na ito ang malubhang problema ng gutom at malnutrisyon. Pero hindi na lamang ito suliraning pangmateryal; problemang espitiritwal din ito. Kinikilala sa panlipunang turo ng Simbahan na ang pagkain ay mahalaga upang ang tao ay mabuhay. Ayon kay Pope Benedict XVI, “The right to food, like the right to water, has an important place within the pursuit of other rights, beginning with the fundamental right to life. It is therefore necessary to cultivate a public conscience that considers food and access to water as universal rights of all human beings… Dagdag pa niya, kailangan ng pagtutulungan ng lahat at pakikiisa ng mga mauunlad na bansa upang sapat na matugunan ng mga developing countries ang problema nila sa pagkain.

Ngayong World Food Day, hinahamon tayong tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang nagugutom, kahit sa maliit na paraan. Kasama sa mga pwede nating gawin ang simpleng pag-ubos ng ating kinakain, ang pagpapalakas ng ating lokal na produksyon upang maging mura ang mga bilihin, at pagsuporta ng gobyerno sa mga magsasaka at mangingisda, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa ganitong paraan, masisiguro nating ang sapat na pagkain ay aabot sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino, lalo na ng mahihirap.

Mga Kapanalig, ang gutom ng katawan ay gutom din ng kaluluwa. Ang suliraning ito sa pagkain ay hindi lamang papawi sa gutom ng kalamnan, ngunit hihilom din sa pangangailangan ng kaluluwa. Nawa’y makita natin si Hesus sa ating kapwang nagugutom gaya ng Kanyang sinabi sa Mateo 25:35 at 40: “Sapagkat ako’y nagugutom at ako’y inyong pinakain; ako’y nauuhaw at ako’y inyong pinainom….‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.’”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 23,626 total views

 23,626 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 98,240 total views

 98,240 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 178,319 total views

 178,319 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 221,458 total views

 221,458 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 221,133 total views

 221,133 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 23,627 total views

 23,627 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 98,241 total views

 98,241 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 178,320 total views

 178,320 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 221,459 total views

 221,459 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top