Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 105,589 total reads

Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions.

Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Indegenous Peoples na si Bontoc-Lagawa Bishop Valentin Dimoc ang kahalagahan ng pagbibigay ng “ancestral domain titles” sa mga katutubo upang hindi sila mapanganib na mapaalis sa minanang ninunong lupa at hindi ito maagaw ng mga mining companies at maisasalim sa land conversion.

Ayon sa Obispo, importante sa mahigit-kumulang na 15-milyong katutubo sa Pilipinas ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa mga likas na yaman at matiyak na sila’y makakatanggap ng tamang bahagi ng benepisyo mula sa paggamit ng kanilang mga yaman… Sa CADT, mapapangalagaan ang mga katutubo laban sa mga malalaking kumpanyang nagdudulot ng pang-aabuso at labis na pinsala sa mga pamayanan at lupaing ninuno.

Ikinalulungkot ng Obispo na simulang maibatas at maimplementa ang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA law) noong 1997 ay mas mababa pa sa 50-porsyento ang natapos ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) pagdating sa pagbibigay ng opisyal na titulo sa mga lupaing ninuno.

Ito ang dahilan kaya’t maraming katutubong pamayanan ang nanganganib na mawala ang mga lupain at pasukin ng mga malalaking korporasyon nang walang kaukulang pahintulot… Maraming tribe communities na ang endangered… Bukod ditto, bigo rin ang NCIP na maipagtanggol sa korte ang mga IP sa kanilang kaso laban sa mga land developer at mining companies na gumigipit at sapilitang nang-aangkin ng kanilang lupang ninuno.

Sa Encyclical letter na Laudato Si ni Pope Francis, binigyan diin ang paalala ni St.Francis of Assisi “that our common home home is like a sister with we share our life and beautiful mother who open her to embrace us. Praise be to you, my lord, through our Sister, mother Earth, who sustain and govern us, and who produces various fruit with colored flower and herbs”.

Nakasaad naman sa Gen.2:7, “our bodies are made up of elements, we breathe her air and we receive life and refreshment from her”.

Panawagan ng simbahan sa mga mambabatas lalu na sa NCIP na iprayoridad ang “delineation” ng ancestral domain ng mga IP upang magkaroon ng CADT at mailigtas sila sa mga panganib na dulot ng tinatawag na “development” o artificial development na ang mamamayan lamang ang nakikinabang sa mga lupang ninuno.

Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan ang Pilipinas maging ang buong mundo sa climate emergency..bigyan po natin ng suporta, tulong at boses ang mga IP…sila ang ating environmental protector, samahan natin silang maging environmental warriors upang mailigtas ang ating iisang tahanan sa pagkawasak.

Sumainyo ang Katotohanan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,818 total reads

 126,818 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,798 total reads

 263,798 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,573 total reads

 379,573 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,791 total reads

 494,791 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,819 total reads

 126,819 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,799 total reads

 263,799 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,574 total reads

 379,574 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top